Hawig na hawig

80 2 0
                                    

"Kamukha mo talaga yung kambal mo sobra" ani Jane. Napatango at natawa na lang si Myca. Ika-dalawampung kaarawan niya kung kaya't naisipan niyang imbitahan ang kaniyang mga kamag-aral sa kanilang mansion.

"Malamang kambal nga eh" pambabara ni Kyle sabay akbay sa girlfriend nitong si Betty na walang sawa sa pagpindot sa cellphone.

"Ano nga uli tawag sa in—" naantala ang pagtatanong ni Margaux nang unahan na siya ni Betty.

"Identical twin duhh" sabay irap at inom ng tequila.

"Ayun! Oo! Identical twin kaya same na same ang pes!"

"Bes baka pwede mo naman kaming ipakilala sa kaniya? She's so gorgeous" dagdag pa ni Ella saka hinalikan si Carl.

Tumaas ang kilay ni Myca at nasamid pa ito matapos matawa.

"Is this some prank?" nagtataka namang napatingin ang magkakaibigan sa kaniya.

"Bes ok ka lang ba? Mas mabuting magpahinga ka na. You look exhausted" inalalayan ni Ella ang kaibigan papunta sa kama nito. Sa loob lamang din sila ng kwarto ni Myca nagdiwang.

Bago pa makahiga si Myca ay humirit pa si Jericho sa kaniya.

"Myca, pwede ko bang ligawan ang kambal mo?" napahiyaw ang tropa samantala mas bumigat ang pakiramdam ni Myca.

"B-bakla ka ba Jericho?"

"Speaking of...... Wow. Hi! Ako si uhmmm Jericho" tumayo siya sa pagkakaupo papunta sa direksyon ng kakambal ni Myca ngunit bago pa man niya ito malapitan ay hinimatay na si Myca. Humingi sila ng tulong. Nagsisisigaw. Natataranta.

Nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking kamukhang-kamukha ni Myca.

"I-ikaw ang kakambal ni Myca?" natatakot na tanong nu Carl.

"Oo" sagot nito. Napalingon ang tropa sa kinatatayuan ng babaeng inakala nilang kakambal ng kanilang kaibigan ngunit naglaho na ito.

Balintataw Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon