Mga Tauhan

100 5 0
                                    

"AHH.... BAKLA BAKLA!! " ani Dave.

"SALOT SA LIPUNAN HAHAHA!" malakas na kutya ni Erik.

"DAPAT SA TULAD MO PINAPATAY!" gigil na gigil na si Dexter.

Nanginginig ang tuhod ko. Pinapalibutan nila ako ngayon. Wala na akong lakas para lumaban pa nang sa ika-sampung beses ay tadyakan at sikmuraan nila ako.

"Gawin mo na!" may sumigaw sa di kalayuan. Nataranta ang tatlo kaya naman hindi ko na ikinagulat nang maglabas ng patalim si Dave. Humahalakhak ito gaya ng demonyo, animo'y sabik na makita ang pagsirit ng dugo ko. Napangisi ako. Alam kong hindi niya iyon magagawa pero mali ang iniisip ko nang ambangan niya ako. Mabuti na lamang at naiwasan ko ito. Habang ako'y nakikipaglaban kay Kamatayan, nakatayo lamang si Erik at Dexter na mas lumalawak pa ang ngiti sa tuwing nakikita akong nahihirapan. Idagdag mo pa ang palakpakan nila na tuwang tuwa sa pangyayari.

"MORE!!" isa pang sigaw sa di kalayuan. Kilala ko siya! Boses iyon ng isang demonyo. Siya ang nagplano nitong lahat. Mamatay na siya! Nag-aalab sa galit ang puso ko na pinaghugutan ko ng lakas para agawin ang patalim mula sa kamay ni Dave.

"Argghh..."
"Ughhhh...."

"HUWAG!!!!!" pagmamakaawa ni Dave mang maagaw ko na sa kanya ang patalim. Nakito ko sa gilid ko na nakatayo sila Erik at Dexter, marahil ay naistatwa sa mga nangyayari.

"WALA KA NG KAWALA NGAYON!!!!!" gigil na gigil kong sigaw.

"HUWA-----"

"STOP!!" isa na namang sigaw sa di kalayuan. Ngunit imbes na pakinggan siya ay huli na ang lahat ng makailang beses ko nang saksakin si Dave sa iba't-ibang parte ng katawan niya. Napangisi ako.

"PUTA!" napalingon ako kung saan nanggagaling ang tinig sa di kalayuan. Kanina pa ako naririndi sa boses niya. Tatayo na sana ako sa kinalalagyan ko pero salamat at nagpakita din siya ngunit hindi siya nag-iisa, napakarami nila at halatang nangangamba sila sa iisang tao na katabi ko......  ang duguang si Dave.

Isang malakas na sampal ang inabot ko sa nobya niyang si Mia na patuloy sa paghagulgol. Umikot ang paningin ko at napatingala sa tarpaulin sa harap.

"The Opera on the Great War : Characters' Audition"

Balintataw Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon