Merlita

7 2 0
                                    

Kumakalam na ang kaniyang sikmura. Nananabik sa amoy ng giniling. Naaadik sa halimuyak na dala ng nakahaing sisig at nilagang buto-buto. Naglalaway sa kaharap na nagmumurang taba at siksik na mga laman. Handa na ang lahat.

Hinayaan niya ang sarili na lamunin ng katakawan. Walang anu-ano'y dampot dito, dampot doon. Walang tulong ng kutsara ni tinidor, hindi alintana ang init ng mga bagong lutong putahe.

Langit sa pakiramdam. Pawang nakalutang sa ere. Nanumbalik sa kamalayan nang sumulpot ang mga armadong kalalakihan patungo sa kaniyang kusina. Hindi nagtagal, siya'y pinalibutan at pinosasan. Ang kaniyang namumulang mga kamay bilang malakas na ebidensiya. Napagtanto ang karumal-dumal na sinapit ng kaniyang nobiyang si Merlita sa kaniyang mismong mga kamay. Bumalik sa katinuan, nangasim ang sikmura.

Balintataw Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon