Utos

95 3 0
                                    

"Good morning ma'am, pinatawag niyo daw po ako?" sabay upo sa lumang swivel chair na pagmamay-ari niya.

"Ay oo, pakitulungan naman akong buhatin yung mga box doon" sabay turo sa dulong bahagi ng malawak niyang opisina. Napakamot pa ako sa ulo dahil mukhang mabigat ang mga kahon ngunit nang makita ito'y natawa na lang ako. Tanging gunting lang ang laman nito.

"Wala na po bang bubuhatin ma'am?"

"Wala na, sige thank yo------" naputol ang pagpapasalamat ni ma'am Esguerra nang marinig namin ang sunod-sunod na tili na mula sa labas. Nakaramdam ako ng matinding kaba at tuluyan nang umakyat ang kuryosidad sa aking isipin. Binuksan ko ng bahagya ang pintuan ng opisina ni ma'am at sumalubong sa paningin ko ang nagkukumpulang mga estudyante. Ang iba'y tila natulala at ang iba'y napapahagulgol at bakas na bakas ang pagkabigla sa kanilang mga mukha. Nakita ko ang pinagkakahuluhan nila nang may dumating na isang pulis at pinatabi ang mga estudyante sa kung ano mang pinagkakahuluhan nila.

"Sige ma'am thank you po, mauna na ako" pagbati ko kay ma'am Esguerra. Tanging pagtango lang ang kanyang isinagot sa akin. Tinakbo ko ang pinagkakaguluhan ng mga tao at bumungad sa akin ang hindi ko inaasahang pangyayari. Nanigas ako nang makitang duguan, tirik ang mata at lasog lasog ang buto ni...... Ma'am Esguerra.

Balintataw Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon