TIFFANY'S POV
Three days na akong hindi pumapasok. Wala na akong balita kung ano meron sa kaso namin ni Angelique at wala din akong balita kung ano ang meron sa school
. Patay ang phone ko, hindi na din ako nakakapaginternet at hindi muna ako lumalabas ng bahay.
Wala si mama, pumunta sa Germany sumundo kay papa. Kaya hindi muna ako pumapasok. Hindi din naman niya malalaman eh.
I checked the time, at 8:00am na pala. Kanina pa akong 4:00am gising. Nakatitig lang sa kisame ng room ko. Bakit naman kasi. Anglaki laki ng problema ko :(
* TOK TOK TOK!
''Maaaam! Yung breakfast niyo po!'' Si Alma siguro yun.
Katok siya ng katok. Pero wala akong balak buksan yung pinto. Tinatamad pa ako bumangon eh :) Pero sana makapasok na ako bukas.
Wala pa din akong maisip na solusyon sa kumakalat na video ko. :(
30minutes na akong nakatitig sa kung saan saan. pero nakaramdam na din naman ako ng gutom pagkatapos, kaya bumaba na ako.
Nakita ko si Alma sa kitchen na nakahalumbaba at nagmumukmok. Hindi ko magets tong babae na ito? parang loka loka? minsan ang bait, minsan hindi namamansin. Tanggalin ko kaya siya? >:) Hahaha.
''Alma, yung pagkain ko?'' Sabi ko sakanya habang umupo na ako sa table.
Hindi umimik si Alma, kinuha niya lang yung pagkain ko sa ref tapos nilagay niya sa microwave. Tapos bumalik ulit siya sa halumbaba position habang nanunuod ng TV.
Sandali pa ay tumunog na yung microwave. Kanina pa talaga ako nagugutom pero yung feeling na tamad na tamad ako? :(
''Maaam, eto na po. '' Inabot sakin ni Alma yung pagkain at pagkatapos ay umupo ulit.
Natapos ko yung pagkain ko ng hindi dumadaldal si Alma, nakakapanibago siya? :O Ano kayang nangyari? Baka iniwan ng boyfriend.
''Bakit hindi ka naimik jan?'' Tanong ko sakanya habang nanguya.
''Wala po maam. Haaays'' May pa haays haays pa siya talagang nalalaman ha?!
''Anong meron?''
''gusto niyo po talaga malaman?'' Mabibilaukan ata ako??
''Ok fine tell me. '' Sabay ngiti ko sakanya.
''Iniwan niyo po ako nung nakaraang araw. Di ba po sabi ko sa inyo sasabay ako sainyo papunta sa school''
Anghaba ng sinabi niya Ha? Pero eto lang naisagot ko ''Ay sorrry. Sumabay ka nalang ulit nexttime, papasok na naman ako bukas eh''
Nanliwanag ang mata ni Alma at tumalon siya ng tumalon. Anglaki ng problema niya sa buhay niya?
''TALAGA MAAAAM?? PRAAAAAAAAAAAAAAAAMISSS???'' Sabi niya sakin habang hawak ang kamay ko at nagtatalon.
Natatawa nalang ako kasi nakakaloko siya. =)))
''Oo haha! Sige akyat nako, ligpitin mo na to'' Sabi ko sakanya sabay alis.
Napaliwanag ni Alma yung araw ko :) Nakakatuwa naman. HAHA! Naligo na ako agad, at nagbihis. Siguro gusto ko nga munang magrelax kahit na may kumakalat nakong video, kaya naisipan ko na magmall nalang muna.
Tinawag ko si Mang Tom at sinabi na ihanda na yung sasakyan. Pinagbihis ko rin si Alma para naman may kasama ako. Wala na yung ibang mga katulong sa bahay, hindi daw sila makakasama dahil andami nilang aayusin. Kaya kami nalang ni Alma at Mang Tom :)
Inantay ko si Alma na matapos sa mga gawain niya at after 30mins, nakaalis na kami sa bahay.
Nakadating kami sa SM, sinama ko si Mang Tom sa loob, sila ang kasama ko at kita ko naman na masaya naman sila o naninibago sila? Kasi angweird ng tingin nila sakin.
''Maam san tayo pupunta?'' Bigla naman akong tinanong ni Mang Tom. At dahil good mood ako, naisip ko na ipagsha-shopping ko sila =))
''Sa kahit san nyo gusto'' Nanlaki ang mata nilang dalawa.
''Sure ka maam?'' Sabay sabi nilang dalawa na as in malaki ang mata O.O
Kung saan saan sila nagturo, si Mang Tom na medyo matanda na ay nakituro din, lahat ng gusto nila ay binili ko. Kahit nahihiya sila pinagpilitan ko, Minsan lang naman maging mabait. Chaka sakanila ko lang gagawin to.
Natapos ang araw, kumain kami sa restaurant at umuwi na pagkatapos. Pinagshopping ni Mang Tom ang asawa at mga anak niya. At si Alma, nakakapagtaka kasi mga pambatang babae yung mga binili niya. Hindi ko alam kung bakit? Wala naman siyang mga batang kapatid kasi nakwento niya sakin. Ewan ko ba? :| Weird.
Nakauwi kami sa bahay, nakakapagod! -________- Pero masaya naman :)
Nagdecide na rin ako na buksan yung phone ko. After20 mins, andaming text. Mga text at GM. May text pa ni Red, tinatanong kung asan daw ako. Pakiealam ba niya?!
NagGM ako:
Just Got Home from SM :) Kasama si yaya at driver. Sobrang fun. Papasok nadin ako tomorrow see you classmates! ;-) Xoxo GM.
Iniwan ko ang phone ko sa salas at naisip ko munang magshower.
Habang nagsha-sahower, naisip ko si Red. :( Pag naiisip ko siya, naiiyak ako. Mahal ko kasi talaga siya. Kahit sobrang dali ng panahon. sobrang tagal ko siyang crush tapos gagaguhin niya lang ako. Parang di ko siya kayang makita na may kasamang iba, o kahit siya lang. Masakit kasi talaga na lokohin ka ng taong kahit madali mong nakilala at minahal ay gagaguhin kalang pala. Akala ko kaya niya ako nilalambing ay dahil mahal niya ako, pero hindi pala. ROLEPLAY lang pala :(
Umiyak ako ng umiyak sa shower, akala ko masaya ako ngayong araw na ito. Naisip ko nanaman siya, Akala ko move-on na ako. Siguro nga nakarma ako sa mga pinaggagawa ko. Siguro nga dapat magbago na ako. Hindi na dapat ako nanapak at nanakit ng ibang tao.
Angtagal kong nakababad sa CR pero nagbihis na din ako nung kinakatok na ako ni Alma sa pinto.
Bumaba ako at chi-neck ulit ang cellphone ko. Nagreply si Red, Kim at Erica.
Red: Uy! Please, makinig ka sakin may dapat kang malaman, nagsisisi na ako.
Erica: Bavvvve! San ka? Please pumasok kana bukas! You have to! -___-
Kim: UY! Kmusta kna? San ka? Bakit di ka napasok? :(
Ano ba naman kasi ang dapat kong malaman? Bakit kasi ang kulit ni Red? Bakit kasi nasend-an ng Gm ko tanga ko naman much.
Nireplyan ko si Erica at Kim at inexplain kung ano ang nangyari, na ok na naman ako at wag na sila mag-alala pero si Red, pinabayaan ko na. Bahala siya sa buhay niya. Hindi naman na niya kailangan magexplain kasi wala naman dapat iexplain.
Kitang-kita naman ang kagaguhan niya, ginamit niya lang ako. :(
BINABASA MO ANG
CHIC
JugendliteraturA Property Of : SunshineInMyPocket | Angelika Mae Y. Del Mundo ''It is better to be feared than to be loved'' - Alice in Wonderland. HINDI IMPORTANTE ANG SASABIHIN NG IBA. HANGGAT MASAYA AKO. HANGGA'T MAY PINAGK...