Chapter IV (Rumors?)

96 0 1
                                    

RED'S POV.

''Oh ano Red?''  Mayabang na tanong sakin ni Angelique habang nakapamay-ewang sa harap ng tv.

''IBIBIGAY MO BA?'' Nagulat na naman ako dahil tinanong na niya naman ako.  RED!!! BWISIT!! IBIBIGAY KO BA O HINDI? 

''red?!! red? letche!!'' 

"Uhh, oo, oo sensya'' sabay abot ko ng Usb kay Angelique. Kinakabahan pero kailangan. Hindi ko maitingin ng maayos ang mga mata ko sa kanya. Angyabang niya kasi.

''oh, ayan.''  Hinagis ni Angelique ang brown envelope sakin at nang binuklat ko ay may lamang five thousand pesos na deal namin.

''Thanks Gelique, Sana walang makaalam nito'' 

Wala na akong nasabi pa sakanya. 

Nagpaalam na siya sakin dahil nagmamadali daw siya. Ayaw niya daw akong istorbohin sa pagiging tulala ko. 

Hindi ko parin kasi maisip na sa loob ng linggo, nagawa ko yun. ANO BA ITO??!  Nagawa ko nga ba talaga ito? Eh kasi, yung Usb na inabot ko kay Angelique, ay yung Usb na may Video namin ni Tifanny kanina.

Oo. Wala namang masyadong malaswa na nangyari sa Video, pero may scene yun na halos matanggalan ko na ng buong damit si Tiffany.

At dun ako kinakabahan pa, dahil si Tiffany. Ako ang first boyfriend niya, ako ang ewan ko lang, first kiss niya? At isa pa, hindi kilala si Tiffany sa pagiging ganong klase ng tao, She is a bully. She loves to make fun of others BUT hindi siya yung girl na madaling kunin, pero nakuha ko siya in just one night? Bakit?! 

Ugghhhhh.. Nakakainis! Red!!! Red Alcala Please lang! Bakit ka ba nakokonsyensya?! Kelangan mo naman to para iligtas buhay mo eh. Baka mamaya, lalabas kapa lang ng condo mo hindi kana buhay. 

EH kasi naman, pinaghahanap nako ng barkada ko pang isa, na nasiraan ko ng kotse. As in sira talaga. Kaya nga ayun, desperado ako. Shit! Kayanin mo to Red.

Matagal din ako nakatitig sa TV. Nanunuod ng Adventure Time pero di ko maabsorb sa utak ko, kasi nakatunganga lang ako.

Nakaramdam naman ako ng gutom, Napagisipan kong maligo muna at bababa ako para kumain sa Mcdo. 

Ano kaya ang mangyayari bukas?! Kinakabahan ako eh. Bakit ganito? Lage naman akong nanloloko ng babae, or should I say nambabae? Pero Hindi!! Ok Ok. Settle down Red.

Yabangan mo bukas. Angasan mo. Itago mo ang kaba mo para hindi ka mabuko. 

Itutulog ko nalang ito.

------------------------------------

Tiffany's POV.

''Maaaaam!! Guudmornengg!''

''Maaam! Gudmorneng pu!!!''

''Oo! oo Alma, kinig kita. Please lang lambutan mo pagsasalita mo. Agang aga nasisira araw ko.''

'' Ay kase naman maam, iyung tubeg nyu po. Kanena ko pa ho inenet.'' 

Bakit ba kasi ganito ang yaya ko? Pero anyways, ganun talaga. Hindi naman siya Bisaya. Jologs lang talaga. Ugh.

Bumangon ako kaagad-agad, Pumunta ako sa CR, Humarap sa salamin at naghilamos. Maya maya pa sa pagtitig ko sa mirror ay I took a bath na. Pagkabihis ko ng uniform at pagkablower ng buhok ko ay bumaba ako para kumain. Nagintay lang ng konting oras at umalis na kami ng driver ko.

CHICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon