Maaga akong bumangon, aagahan ko sa school, aasikasuhin ko yung kaso ko sa P.O.D. Hindi ako pede magkakaso kasi maapektuhan ang grades ko.
Isa din sa dahilan ay GAGANTI ako, anong akala ni Angelique, papalampasin ko ang ginawa niya, Yaah I don't have enough proof kung sakanya nga nanggaling yung video, pero siya ang dahilan kung bakit ako na P.O.D. Hindi ako papayag nang hindi ako nakakaganti sa babaeng yun.
Ready na lahat ng gamit ko, maliligo na ako kasi malelate na naman ako. :) Excited na kasi ako pumasok. ^^,
Natapos ko lahat ng dapat kong gawin bago pumasok, nakakain na din ako at ready na, isasama ko nga pala si Alma sa school. Pero okay lang, magantay siya dun sa school hanggang maglunch. HAHA.
''Alma! Tara'' Lumabas siya, maayos ang suot at hindi mukang yaya. :) Nice, nagkakasundo na rin kami, first time kasi na may yaya akong nakakausap ko.
Sumakay na kami ng sasakyan at papunta na kami sa school :) 6:00am palang nung umalis kami, May plano kasi talaga ako :)
After 30mins, nakadating kami ni Alma sa school. Sinabi niya sakin na aantayin niya daw ako hanggang maglunch dahil nagbaon siya nang pangluch ko, Nilagay ko muna yung bag ko sa classroom at dumiretso na ako agad sa P.O.D.
Wala pa masyadong tao, kaya makakausap ko ng tino si Mr.Reyes.
''Sir'' Binuksan ko yung pinto sa P.O.D office, andun si Mr. Reyes sa table niya nagsusulat.
''Bakit naman tatlong araw ka nang absent?'' Tinanggal niya yung salamin niya at sumandal muna. ''Upo ka miss Andrews.''
Umupo ako sa harapan nung table, dala-dala yung detention paper.
Name: Tiffany Maeriz G. Andrews.
Angelique and I had a fight at the canteen last week, I had to slap her and whatsoever, because she spread a rumor about my video of having strong interaction to Mr. Red Alcala. The video contains violent actions such as kissing, and lying on the couch?????? I was being framed up. I think so, I never knew that this is going to happen. I don't know who's fault is, but surely I know I'm being framed up. and that scene, I did that because I love the guy. I really do.
Yun yung nilagay ko sa reaction paper ko. Kahit anghirap paniwalaan na nakuha ako ni Red sa loob ng halos 4days. Matagal ko na siyang mahal kaya pikit mata kong nagawa yun. Oo hindi siya ang first kiss ko, but feeling ko, siya. -_____- I hate him.
''Okay miss Andrews, napanuod ko ang video, at totoo, kalat na siya sa buong school'' Kumabog ng malakas ang dibdib ko, ramdam ko ang cold sweat at kaba.''Hindi ko alam kung ano ang solusyon, but we I need to talk to your parents about that'' Napalunok ako. ''and nakapagdesisyon na ako kung ano ang parusa niyo''
Hindi ako pede maexpel! ''HA? ANO SIR??! '' Napasigaw ako, Hinding hindi pede malaman ni mama at papa to. :(
''Nakausap ko na si Ms. Angelique at pati na rin ang parents niya.'' Biglang umimik si Mr. Reyes. ''Edi expel dapat siya?'' Tanong ko naman agad.
''Kung magbabati kayo at kung malalaman kung sino ang may pakana ng video na yan, dahil kasalanan nyo naman lahat'' Hawak ni Sir ang papel at pinipirmahan niya.
Hindi ako makikipagbati kay Angelique. Asa siya. -___- :-@
May pumasok na tao sa loob ng room, Si Red. Pinatawag na pala siya ni Mr. Reyes kahapon pa at sumunod din si Angelique.

BINABASA MO ANG
CHIC
Teen FictionA Property Of : SunshineInMyPocket | Angelika Mae Y. Del Mundo ''It is better to be feared than to be loved'' - Alice in Wonderland. HINDI IMPORTANTE ANG SASABIHIN NG IBA. HANGGAT MASAYA AKO. HANGGA'T MAY PINAGK...