"This is your home?" Tanong niya ng nasa harapan na kami ng bahay. Hinatid na niya ako dahil nasira ang gulong ng sasakyan ko.
"Yes, bababa na ako." Paalam ko sa kanya. "Salamat sa pagkain at sa libreng sakay."
"Basta next time ikaw na naman."
"Yeap."
"Wag mong pabayaan ang sarili mo saka tawagan mo ako pag kailangan mo ng karamay."
"Wow, I'm so lucky to meet someone like you mr owner." Ngiti kong ani sa kanya saka siya niyakap. I feel happy because I meet someone who understand me. Nagulat pa siya sa ginawa ko pero napayakap na rin siya.
"Bye." ani ko, saka ako bumaba ng sasakyan niya. Naa tapat na ako ng gate pero hindi parin siya umalis at binaba niya ang bintana sa tapat niya.
"May bubukas pa ba sayo diyan?"
"Syempre naman pamamahay ko ito eh."
"Aalis lang ako kapag makapasok kana sa loob." Ang sweet naman niya.
"Wag na, umuwi kana lang at magpahinga, bye na Erwan."
"Okay fine. I text you if I got home." I nodded to him at kumaway na.
Mabuti naman at umalis na siya, nag doorbell na ako sa gate namin. Sana may gising pa sa kanila.
Ilang sandali at bumukas na ang gate at sumalobong sa akin ang antok na mukha ni Nanay Minda.
"Bakit ngayon kalang, halikana pumasok kana sa loob."
"Magandang gabi manang, pasensya na sa disturbo."
"Pumasok ka na nga lang at naghihintay sayo ang asawa mo." Napayuko nalang ako at naglalakad papasok kukunin ko sana ang kamay ni Manang para magmano pero tiningnan niya lang.
Pero huminto ako sa paglalakad at hinintay ko ang matanda. Kahit na sabihin na nating matagal na siyang naging katulong sa pamilya ni James ay wala pa rin siyang karapatan na bastusin ako palagi.
Asawa ako ng amo niya at pagmamay-ari ko rin ang bahay na ito. At alam ko na gusto niyang magkatuluyan ang apo niya at si James.
"Bakit hindi ka pa pumasok?"
"Bakit hindi pa kayo umalis dito?" Saka ako humarap sa kanya. "Umaasa pa rin ba kayo na magkakatuluyan si Grace at James? Manang may asawa na si James at nasa harapan niyu ang asawa niya mahiya naman po kayo."
"Hindi ka mahal ni James ang apo ko ang mahal niya kaya wag mo yang kalimutan."
"Hindi nga ako ang mahal pero ako ang pinakasalan."
"Dahil inakit mo siya at nagpabuntis ka sa kanya."
"Dahil mas kaakit akit ako kaya ako ang nanalo. Manang wag mo nang ipagpilitan ang sarili mo, matanda kana. Ang mabuting gawin mo ay magpakabait ka at magdasal para pag kukunin ka na ni Lord sa langit ang punta mo, diba?" Hindi ko na siya hinayaang sumagot pa at nauna na akong pumasok sa kanya sa loob.
Naabotan ko sa sala si James na may hawak na isang botelya ng alak.
"Hinintay mo ako?" Napatingin siya sa akin at tumayo. Lumapit siya sa kinaroonan ko at may kinuha siya sa pantalon niya. Inilabas na ang singsing na binalik ko sa kanya kanina. Nilapag niya ito sa isang mesa na nasa tabi ko lang.
"Hindi ko muna maibibigay sayo ang divorce na hinihingi mo sa akin."
"God, kailan pa? Ilang beses ko na yung hiningi sayo. Saka hindi ka pa nagsasawa na magkasama tayo sa iisang buhay, imbis na hahaba pa ang buhay nating dalawa mas umiikli pa."
BINABASA MO ANG
To My Youth
RomanceOne day I got married to him, wala na akong nagawa eh, kasal na kami maliban sa sisirain ko ang buhay ko.