Chapter 3

85 6 2
                                    

Inayos ko ang higaan niya pati na rin siya, kinumutan ko na rin siya. Ang aga kasing naglalasing ng babaeng to. 

Tumunog ang cellphone niya na nasa bag niya nakalagay. Kinuha ko nalang.

Erwan calling......

Ang lalaking to na naman.

"Hello, Ericka how are you, kanina pa ako tumatawag sayo. Nasaan ka ba ngayon?"

"Nandito siya sa bahay namin. Anong kailangan mo sa asawa ko?"

"Ah, pasensya na sa disturbo. Pakisabi nalang na tumawag ako."

"Kilala mo ba ang kausup mo? Asawa niya to."

"I know, and i also know the real score between the two of you." Then he cut the line.

"Yun bang klase ng kaibigan ang meron ka Ericka? Ang malas mo naman."

"Ssh, ang init." Nasa kama niya ako nakaupo ng bumangon siya at tinanggal ang kumot sa katawan niya. Pero bakit pati ang damit niya ay hinubad niya na rin.

Napalunok ako ng masilayan ko ang katawan niya na walang damit. Dalawang piraso ng tela lang ang nakatakip sa katawan niya.

Nang may pumasok sa kwarto niya.

"Ay naku naman, ganyan talaga si Ericka pag nalalasing. Hindi yan nagsusuot ng damit." Ani ni Joey. "Ako na ang bahala sa kanya."

"Ano? Ikaw?"

"Oo, wag kang mag-alala pareho naman kaming babae."

"No! I'll take back care of her. Lalaki ka parin Joey at lalaki ako, asawa ko ang nakahiga sa kama. Ako na ang bahala sa kanya."

"Oo naman sir, kayo na po , talaga sana matiisan niyu ang babaeng yan sir. Kasi kung hindi nga lang ako bakla 100% naku---

"Lumabas kana." Utos ko sa kanya.

"Okay sir, i lolock ko ang pinto para walang disturbo." Bahala ka sa gagawin mo. Tinaggal ko nalang ang sapatos at suit ko dahil medyo maiinit na nga. Naku full naman ang aircorn. Saka ko tinanggal ang necktie ko ng tumunog ang phone ko.

Grace calling.....

"Hello babe."

"Nasaan ka ngayon?"

"Nasa bahay, bakit?"

"I miss you na, kailan mo ba ako bibisitahin dito?"

"Don't worry malapit na may inaayos lang ako."

"Sabi ni lola ay makikipaghiwalay na sayo ang asawa mo, bakit hindi mo pa siya hinihiwalayan hanggang ngayon?"

"Darating rin kami diyan, sege may gagawin pa ako. Mag-iingat ka."

"Okay, I love you."

"I love you too babe." Saka ko binaba ang linya.

"Ang sweet niyu namang dalawa." Natigilan ako ng bigla siyang nagsalita gising na pala siya.

"Kanina kapa gising?"

"Oo, lumabas kana hindi ko----" hindi niya natapos ang sasabihin niya ng tumunog ang phone niya. Pero hindi yun nasa bag niya kundi sa drawer ng side table niya. Kita ko na nagulat rin siya pero kaagad niya itong kinuha.

"Sunshine." Ani niya at maluha-luha pa ang kanyang mga mata. "Hello." Nanginginig ang boses niya ng sagutin ito. Habang ako nakatayo at nakamasid sa kanyang ginagawa.

To My YouthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon