Asan ka Ericka? Saan na kayo ni David?
Patay ka talaga sa akin David kapag nakita kita babasagin ko ang mukha mo. May sarili ka namang asawa kaya bakit hindi siya ang inaatupag mo ngayon? Bakit ang asawa ko pa."Hindi pa rin ba sumasagot sayo si Ericka?" Tanong ko naman kay Joey dahil mukhang naka block ang number ko sa phone ng sarili kong asawa.
Gabi na pero wala parin siya ni kahit anino niya ay wala rin. At kahit si David ay hindi ko rin natawagan."Hindi talaga sir. Tama yung coffee shop baka nandoon na naman siya." Yung coffee shop nga paano at hindi ko kaagad naisip yun. Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko.
"Aalis kayo Sir?"
"Oo kailangan kong iuwi dito ang asawa ko."
"Good luck sir."
Tsk. Baliw.
Hindi naman malayo sa bahay namin ang coffee shop na tinutukoy ni Joey sa akin. Ilang beses ko na rin nakikita si Ericka na pumapasok sa coffee shop. Mahilig siya sa coffee pero madalang ko lang siyang nakikita na uminom ng kape sa bahay namin.
After 15 minutes ay narating ko na ang coffee shop. Pero wala nang tao at mukhang sasarado na. Mabilis akong pumasok nang makita ko kaagad yung lalaking kausapin ng asawa ko.
Kumaway pa siya sa akin hanggang sa makita ko ang babaeng nakatulog sa balikat niya. Walang iba kundi ang asawa ko si Ericka.Ang sarap suntukin ng lalaking ito.
"Kanina pa siya nakatulog ng umalis ang kasama niyang lalaki na si David. Ayaw niyang umuwi kaya hinayaan ko nalang siya."
"Ako na ang mag-uuwi sa kanya." Dahil ako lang naman ang asawa niya. Kinuha ko na ang asawa ko sa kanya at saka ko binuhat.
"I give you a chance to fix the broken between you and your wife. Pero kung hindi parin maging maayos then I will intercept. I will make her happy, do you understand that." Tinatakot ba niya ako? Walang makakatakot sa akin sa isang James Villaza.
"I'm her husband at ako lang ang makakapagpasaya sa asawa mo. Mind your own business don't middle us."
Erwan P.O.V
"I'm her husband at ako lang ang makakapagpasaya sa asawa mo. Mind your own business don't middle us."
Don't middle us? Hindi ko yun maipapangako dahil gagawin ko ang lahat para maagaw kita sa kanya Ericka. A perfect woman like you should not be treated like that. You deserve to be happy and have a good life at ako lang ang makakabigay nito sayo. Ako lang.
Alam ko na wala akong karapatan pero habang nakikita kita nasasaktan at nahihirapan dahil sa walang kwenta mong asawa wala na akong magagawa kundi ang tulungan kang maging malaya. Hindi ako makakapayag na maging katulad ka sa kanya, maging katulad ka sa babaeng pinakamamahal ko. Ililigtas kita Ericka, pangako ko yan sayo."Boss, ayos kalang? Ito nga pala." Ibibigay sa akin ni Art ang mga inutos ko sa kanya. Ang alamin ang mga binabalak ng mga kapatid ko laban sa akin. Nang sa ganon ay tuluyan na akong mawalan ng karapatan sa negosyo ng ama namin. Tatlong taon na akong hindi nakiki-alam sa kanila at alam ko na alam na alam nila na may tauhan ako sa loob ng kompanya ng aman namin.
"Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila sumusuko kaya naman ay hindi parin umalis si Atty Sy sa posisyon niya para masupotahan ang shares mo boss." Malaki ang utang na loob ko kay Atty dahil kahit na malaki ang inihandog ng mga kapatid ko sa kanya para kumampi siya sa mga ito ay nanatili pa rin siya sa panig ko.
"Sabihin mo kay Atty na wag siyang mag-alala dahil malapit na akong lalabas."
"Yes boss. Makakaasa po kayo."
BINABASA MO ANG
To My Youth
RomanceOne day I got married to him, wala na akong nagawa eh, kasal na kami maliban sa sisirain ko ang buhay ko.