"Alisin mo nga yang kamay mo James." Abay nakayakap pa sa akin ang kumag na to. Pilit kong inaalis ang kamay niya ng dahan-dahan para hindi siya magising pero mas humigpit pa ito. "Alisin mo na!" Singhal ko sa kanya at pinalo ko pa talaga ang braso niya. Bigla niya nalang sinubsob ang mukha sa bandang leeg ko. Nakatalikod ako sa kanya Arggg! Ano bang ginagawa niya.
"I'm too tired. Hindi muna ako papasok ngayon sa office I wanna take a rest. As my wife you are oblige to attend me and take good care of me."
"What!" In fairness ang husky ng boses niya. Lalaking lalaki talaga well napatunayan niya naman yun kagabi at nong isang gabi pa na lalaki nga siya.
"Let's stay like this." God, what the is problem of this man. He hug me so tight at yung katawan niya at ramdam na ramdam ko. Inamoy niya pa talaga ang buhok ko. Si James ba talaga tong sa tabi ko? Baka naman hindi na? Baka may masamang espiritu ang pumasok sa katawan niya.
"Hey, ikaw ba talaga to James?" I just wanna make it sure malay ko kung hindi na siya ang nasa katawan niya ngayon. Baka ibang nilalang na.
"Why you ask me?" Abay, sinagot pa talaga ako ng tanong.
"Nababaguhan lang ako."
"Masanay kana. Gusto mong magkaroon ng kalayaan diba? So you will follow me."
"Damn! Don't kiss my neck!" Ang aga-aga nang isang to? Anong akala niya sa akin asawa niya.
Asawa nga niya pala ako. Pero this is too much.
"I need to go James."
"You need to go? Where? You don't have any job Mhab so there is no reason to leave me now. Be my wife starting this day." Nakakatakot na ang lalaking to. Hindi na to tama baka na fall na siya sa akin o baka ako naman ang ma fall sa kanya. Kailangan kong mag-ingat, this is just a temptation. I need to fight!
James P.O.V
And she left me. I can't really hold her mukhang mahirap nga. Pero bakit ba ako nag-aalala ngayon? Mas mabuti nga yun diba ng walang madevelop na feelings sa aming dalawa.
"You should be careful my cousin. Makamandag ang pag-ibig baka makagat ka ng pag-ibig na yan at baka ikamatay mo pa."
Baliw na Caloy.
Hindi pa sana ako papasok ngayon dahil gusto kong magpahinga. Pero hindi ako na makapagpahinga dahil nandito si Ericka nakakadisturbo siya lalo na ang presence niya.
Bumangon ako sa pagkakahiga ko at naligo na.
Nang nakabihis ba ako ay kaagad akong bumaba saka nadaanan ko siyang kumakain ng agahan. Ni hindi niya man lang ako inalok na kumain at hinayaan lang na umalis ang asawa niya na walang laman ang tiyan."Hello James. Bibisitahin mo ba talaga ako ngayon?" Nag message ako kay Grace sa kanya muna ako magpapahinga ngayon. Siya lang naman ang makakapagpawala ng stress ko sa trabaho at sa babaeng yun.
"Yes hon I'm own the way into your condo now."
"That's great. Ipagluluto kita ng masarap na pagkain."
"Ang sweet talaga ng girlfriend ko." Unlike that woman ni ligaw tingin ay hindi man lang magawa sa sarili niyang asawa.
"Basta ikaw. Sege na ibaba ko ba nang makapagluto na ako. Mag-ingat ka sa pagmamaneho mo. I love you."
"I love you too." Binaba niya ang phone niya. Pero walang message akong natanggap mula kay Ericka. Hindi niya lang ba itatanong kung saan ako pupunta. Alam naman niya na hindi ako papasok sa trabaho ko pero wala man lang siyang paki-alam sa akin.
Nalakainis ka talaga Ericka.
BINABASA MO ANG
To My Youth
RomansaOne day I got married to him, wala na akong nagawa eh, kasal na kami maliban sa sisirain ko ang buhay ko.