One Shot Boy's Love Short Stories
Lahat ng kuwento ay may pinagmumulang idea.
Minsan mga naiisipan lang ito, minsan trip-trip lang, ang iba naman ay mga short stories na naisipan kong pahabain.
Ito ay koleksyon ng mga BL short stories na iyon. Saya...
Originally, one shot lang talaga dapat ito, isang back story para sa mas mahaba kong nobela na 'Phasma' -- isang fantasy adventure na written in English.
Dinugtungan ko na 'to at ginawang isa pang nobela, posibleng intro para sa Phasma na balak kong itagalog, balang araw (lit, 'pag sinipag ako)
Pwede pong mabasa nang buo ang 'Ginto't Pilak' sa Novelah app: https://bit.ly/3qLIkyB (dload & enter invitation code 6423355 for free coins!) - look for author psynoid_al
Maari ring mabili ang buo - at uncensored ebook sa aking ko-fi shop: https://ko-fi.com/psynoidal/shop
In the meantime, think of this as a teaser. (with 3.7k words XD hehehe)
- ako
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ginto't Pilak
Una ko syang nakilala ng magkaroon ng isang pagsasalo sa palasyo. Siya ang ika-tatlong prinsipe ng pamilyang Revante, ako naman, ang unang prinsipe ng pamilyang Heilig, anak ng kasalukuyang emperador, at susunod sa trono.
Pitong taon ako noon, siya, mag lilima pa lamang, at pareho kaming sabik sa kalaro. Madalas kaming nakakulong sa palasyo, iniingatan, nilalayo sa mga mas mabababang nilalang na maaring 'makadumi' sa amin. Kaya laking tuwa namin ng maiwan kami sa isang kwarto, habang ang mga magulang namin ay nagtungo sa ibang silid upang mag-usap.
"Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya, "Ilang taon ka na? Bakit may takip ang iyong mukha?"
"Ako si Claudius Marius Angelo Revante, ika-tatlong prinsipe ng pamilyang Revante at ika-anim sa trono." sagot nya na tila nagbabasa sa isang aklat. "Ikina gagalak kitang makilala, Prinsipe Theodorin Tanis Adelbert Heilig."
"Tinanong ko rin kung ilang taon ka na, at ano yang nakatakip sa mukha mo?" diretso ang katawan nya, ni di tumitingin sa akin.
"Ako si Claudius Marius Angelo Revante, ika-tatlong prinsipe ng pamilyang Revante at ika-anim sa trono." muli nyang sinabi. "Ikina-"
"WAH!" pasigaw ko syang ginulat. Napatalon syang bahagya sa kanyang pagkakatayo at tumingin sa akin. Napuno ng luha ang mata nyang kulay lilak, ngunit di ito tumulo.
"Alam mo, walang ibang tao sa paligid." nakangiti kong sinabi. Ginulo ko ang mahaba nyang buhok, inalis sa pagkakatali. "Ang ganda ng buhok mo, parang yung kuwintas na pilak na suot ng ina kong reyna." sabi ko, habang hinahawi ang sarili kong buhok na kulay ginto.
"W-wag mong guluhin ang aking buhok!" sabi nya.
Napatingin akong muli sa kanya. "May alam ka palang ibang salita!" biro ko. Hala, mukhang iiyak nanaman siya. "Halika, doon tayo sa kwarto ko, marami akong laruan doon!"