The Problem with Being Single- GC omegaverse

142 11 8
                                    

******

Isa nanamang side story mula sa kuwento'ng  'Good Luck Charm' ang hatid ko sa inyo :) eto po ang karugtong ng huling kwento tungkol kay Rome na nagising sa panaginip.

Sana po magustuhan din ninyo :)

- Ako

You may look for 'Goodluck Charm' in my wattpad stories to read about the characters here.

The whole 'Goodluck Charm' novel is available in Dreame under my pseudonym Psynoid Al


******


The problem with being single, is that all your paired friends keep running to you for advice.

Pauwi na kami ng kaibigan ko'ng si Josh, nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"Ano to, unknown number?" naitanong ko sa sarili, bilang na bilang kasi ang mga nakasave na numero sa telepono ko. Eksakto, sampu.

Pinindot ko ang 'accept' at sinalubong ng maingay na ngawa!

'Ate Aveeraaaaa!!! Ayoko na!!!' tili ng matining na boses sa telepono.

Agad ko'ng inilayo ang cell sa 'king taenga.

"Sino 'to?" inisip ko kung sino ang kakilala ko'ng nakakatulig ang boses, maliban kay Josh. "Rome?"

Lalong nagngangawa ang nasa kabilang linya.

"Anong nangyari?" tanong ni Josh sa tabi ko.

'Kuya Josh!' sigaw ni Rome sa kabilang linya. Tuluyan ko nang inilayo ang cell sa tenga ko'ng nagdudugo. 'Bakit ba patay ang cell mo?! Ang yaman-yaman mo lagi kang lo-batt!'

"Sorry, kausap ko kasi si Louie kanina..." dahilan ni Josh na minuminuto ata nag-rereport sa boyfriend n'ya.

'Basta, ayoko na!' ulit ni Rome, 'Napakaantipatiko talaga ng Jinn na 'yan! Napaka yabang! Napaka manhid pa! Uuwi na ko sa 'min! Ayoko na sa kanya!!!'

"Ha?!" pareho kaming napatunganga ni Josh sa phone.

"O, hindi pa ba kayo uuwi?" napalingon kami sa likod, kay Louie na sinusundo na ang mate niya.

"Sandali, bhe, may emergency! Nag-away sina Rome at Jinn."

"Haaay, ano pa nga ba'ng bago?" 'di ko napigilang sabihin. "At least tumagal sila ng isang buwan!"

"Hindi lang one month!" sigaw nanaman ni Jinn na narinig pala ako, "I can't believe it took me 32 days to realize how much of a jerk he is! Ayoko na talaga sa kanya! Sawang-sawa na ako!"

"Sige, nasaan ka ba? Pupuntahan kita." sabi ko para matahimik na s'ya.

"Ba't ikaw lang?" singit naman ni Josh.

"Dahil nandito na ang mister mo, at ayoko'ng madawit ka nanaman sa panibagong problema. Sige na umuwi ka na."

"Tama, tingin ko naman kaya na ni Aveera 'yan, at maiintindihan ka naman ni Rome." pahabol ni Louie na mukhang gusto na rin umuwi. "'Di ba, Rome?" sabi nito sa kaibigan naming nagnagmumukmok.

'Opo, atorni! Sige na, mauna na kayo, at imbitahan n'yo kami sa wedding ha!?'

"Oo, hintayin n'yo ang invites!" sagot ni Louie na hatak na ang mate n'ya palayo.

Napahinga ako ng malalim. At least tahimik na si Josh ngayon.

Binalikan ko si Rome at ang problema n'ya sa kanyang love life.

BL One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon