Amai Memory

1.6K 17 7
                                    

Pinasa ko ito sa isang publication as a 'dark' story, pero ang relasyon sa pinasa ko ay 'straight'. Natuwa sila at naisipang pahabain iyon.
Eto ngayon ang original niya, in all its BL glory...

 Eto ngayon ang original niya, in all its BL glory

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Amai Gokuo

May tatlong bagay akong kinalolokohan. Ang una eh, masasarap at matatamis na pagkain. Ang pangalawa, eh ang bansang Japan.

Matagal ko nang pinapangarap makapunta sa Japan, mula pa nang una akong makapanood ng Japanese documentary show tungkol doon noong bata pa ako. Napaka ganda ng mga tanawin, ang linis ng paligid, at mukhang ang babait pa ng mga tao rito, lahat naka ngiti, lahat masiyahin. Kaya nga sinabi ko sa sarili ko, balang araw, makakapunta rin ako dito.

At ngayon, naganap na nga ang pinapangarap ko! Sa wakas, nakapag-ipon din ako ng sapat na halaga para makapag bakasyon sa Japan!

Tatlong araw lang naman. Kailangan kong makabalik agad sa trabaho, pero at least di ba, may 3 days ako? Sapat na yun para mamasyal, mamili, at umatend sa convention na talagang pinlano kong puntahan!

Ito ang unang araw ko rito sa 'Land of the Rising Sun' – or rather, gabi since mag aalas-10 na. Kahit kagagaling pa lang sa trabaho, dumiretso na 'ko sa airport dala ang isang backpack na may sapat na gamit para sa 3 araw na bakasyon – 3 pares ng brip, 3 maninipis na t-shirt (summer naman eh), at isang walking shorts.

Itong maong na pantalon kong suot, pang 3 days na, pati na rin itong suot kong jacket – kung sakaling ginawin ako, isang pares ng medyas (wala naman akong alipunga) at ang sapatos sa aking paa.

Sabi nila, mas mainit pa raw ang summer sa Japan kumpara sa 'Pinas, kaya, okay na 'tong mga dala ko, ayos nga at magaan lang, besides, 'di naman maselan sa gamit kaming mga lalaki. Maliban sa isang manipis na tuwalya, sipilyo, suklay at deodorant, wala na akong ibang kailangan dalin, pwede nalang akong bumili sa Hakuen shops kung may kailanganin pa ako.

Kagagaling ko lang sa airport. I checked my smart phone, at dumiretso sa pinaka malapit na manga cafe – isang internet shop kung saan ka pwede mag stay overnight! And since it's a week day at off peak season pa, marami silang rooms na available – at less than one thousand pesos for an overnight stay! Not to mention free wifi, manga, and unli coffee and soft drinks.

I checked out the nightlife after checking in. On my way back to the cafe, nadaan ako sa may eskinita, and as I passed by, may nakita akong ilaw na nakabukas sa may loob nito. It was already past midnight, so nagulat ako nang makitang isa itong pastry shop!

Lumapit ako sa display window at nakita ang super duper cute na cakes and pastries nila! Naglalaway na nga ako, eh, kaya lang, pag tingin ko sa may pinto, naka-close na pala ang store!

Sayang!

"Okay lang," sabi ko sa sarili ko, "Bukas babalikan ko kayo."

Paalis na ako, at sa pag talikod ko sa shop, nakarinig ako ng bell at napalingon patalikod.

BL One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon