2

5.2K 137 25
                                    

D

Alam kong madami ng tanong sa isip ni Jema.

Unang araw palang namin nagkakabalikan pero ganito na. Pagsubok na agad. Wala pa ngang 24 hours eh.

Nadidisappoint ako sa sarili ko!

Unang araw namin ulit to. Gusto ko lumabas kami, gusto ko mag date kami.

Kayang kaya ko na siyang dalhin kahit saan. Pwede na kaming kumain kahit saan, o manuod ng sine kahit ilang beses pa. Kayang kaya ko na yun.

Pero heto, hindi ko magawa lahat yun! Dahil sa letseng paa na to!

Sa dinami dami ng araw na pwedeng sumumpong to at sumakit, bakit ngayon pa..

Baka isipin ni Jema, naging kami ulit tapos gagawin ko lang siyang taga alalay ko. Haaaaaay! Tang ina!

Kagabi ang saya saya ko, kasi akala ko, after ng pinagdaanan namin, puro saya na ulit. Bat ganito...

Ayoko talagang pumunta ng hospital kasi...

Kasi.... Naaalala ko lang yung mga masasakit na memories ko sa hospital...

Nung naaksidente nga ako, dapat, 3 months pa ko dun... Pero di ko na talaga kaya, sinabi ko kay ate Cy, ilabas na niya ko...

Pinapatay ako ng mga alaala ko sa hospital. Parang bumabalik yung mga masasakit na alaala ko dun.

Pakiramdam ko araw araw may nawawala sakin bawat araw na nandun ako nung naaksidente ako.

Di ako makatulog ng maayos.

Para akong laging binabangungot..

Hindi ko alam kung paano ko lahat to ipapaliwanag kay Jema. Unang araw palang namin to.

Huminto na ang kotse...

"Baby, nandito na tayo. Wait, magpapakuha ako ng wheelchair." sabi ni Jema

Ano to? Bat dito ako dinala ni Jema...

"Jema, wait!" hinawakan ko siya sa braso, bababa na kasi siya

"Oh, baby, why?"

"What are we doing here? Bakit dito? Sa iba na lang tayo. Please..."

"Why, baby? What's wrong? Magagaling mga doctors dito. Ako bahala."

Ayoko! Ayoko! Ayoko dito!

Wala na bang ibang hospital...

"Jema, ayoko dito please... Sa iba na lang tayo." di ko na alam mararamdaman ko.

Ayoko bumalik dito..

"Calm down, baby, nandito ako.. Akong bahala sayo." malambing na sabi ni Jema

Hinahagod hagod niya pa ang likod ko. Ganun na ba ka obvious na di ako mapakali

Sinusubukan kong kumalma..

Tinulungan na kong bumaba ng dalawang hospital staff at pinaupo sa wheel chair.

Pinipilit ko kumalma.. Pero yung puso ko sobrang lakas ng kabog... Ayoko ditoooo...

Inihiga na nila ako sa hospital bed. Dito sa emergency.

"Baby, stay here ah? I'll be quick, I promise." hinaplos haplos niya pa ang pisngi ko at ngumiti sakin.

What? Jema? Dont leave...

Di na ko nakapagsalita, umalis na agad siya..

Inhale.. Exhale.. Inhale.. Exhale..

Di ko alam ang mararamdaman ko.. Ayoko dito. Gusto ko na lumabas.

Ayoko ditoooooo... Please ilabas niyo koooo..

Jemaaaaaa.. Nasaan ka naaaaa...

Nahihirapan na ko huminga...

Habol habol ko na ang bawat paghinga kooo.

"Jemaaaaaa..."  habol hininga kong tawag.. Di na ko makapag salita ng maayos.

Pinilit kong tumayo.. I need to be out of here now!

Pag apak ko palang ng kaliwang binti ko, natumba na ko.. Bumagsak na ko sa lapag...

Hindi na ko makahinga... Nagdidilim na ang paningin koooo...

Wala na kong makita...

"Jemaaaaa.."

And everything went black...

Closing TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon