30

4K 141 74
                                    

J

"Uy, Jema.. Nagmamadali? Haha.."

Hinarang ako ni Jia dito palabas sa emergency..

"Haha medyo, Jia.."

"Aba, aba, may date ka?"

"Wala.. Pupuntahan ko si Deanna sa office niya.."

"Wow naman! Surprise visit hehe.. Oh siya, sige na mag ingat ka.. Bye.."

Dumiretso na agad ako sa kotse ko at nag drive..

Kanina ko pa minimessage at tinatawagan si Deanna kaso di siya sumasagot.. Kaya si Kim na yung tinawagan ko.

Busy pala yung baby ko.. Mag oovertime pala siya for a project.. Sabi ko kay Kim pupuntahan ko na lang, surprise, dadalhan ko siya ng food..

Kala ko pa naman ma-aaya ko siya ng dinner ngayon sa labas.. Pero okay lang drive thru na lang ako, dun na lang kami sa office niya mag dinner..

Habang nasa drive thru ako, tinry ko ulit siya tawagan kaso nag riring lang.. Baka sobrang busy talaga niya.

Kumain na kaya yun? Gabi na eh, past 7pm na.. Nandun  pa kaya sa office yun? Tumatawag yun pag pauwi na eh, so, baka nasa office pa nga yun..

Pag park ko sa baba ng office nila, tinanong ko yung guard kung may tao pa sa floor nila.. Meron pa daw.

Buti naman, kala ko di ko na maaabutan dito si Deanna eh. Namimiss ko pa naman siya..

Pag dating ko sa floor nila, ang dilim na..

Si Deanna na lang ba tao dito? Naku.. Buti na lang pinuntahan ko siya..

Teka di ko alam kung saan dito yung office ni Deanna. Ang alam ko may office siya dito, nabanggit niya sakin yun eh..

Puro empty drawing tables na lang nandito. Ganito pala itsura ng office nila.

Ginamit ko na yung flashlight ng phone ko.. Madilim na talaga dito kahit may bukas na ilaw sa hallway sa labas..

Inikot ko ng tingin yung paligid..

Ahhh, okay.. Eto na yung office ni Deanna siguro, bukas yung pinto eh at may ilaw sa loob kahit medyo dim..

Pag pasok ko.. Nakita ko si Deanna nakatayo, nakatalikod siya eh may parang tinitignan siya, tapos parang may nakaupo sa unahan niya. Di ko makita natatakpan kasi niya..

Nag stay ako saglit sa pwesto ko.. Tinitignan ko lang sila.. Di ata nila nararamdaman na nandito ako..

"Boss Deanna, ano okay na ba tong design ko?" aba, babae pala tong kasama ni Deanna..

Di naman nabanggit ni Kim na may kasama pala si Deanna dito..

"Di ba sabi ko Deanna na lang, tayong dalawa na lang naman eh.." aba aba, Deanna!

Bigla akong nabwiset! Nandito kaya ako!

"Ihhhh, di nga ako sanay, boss ay este Deanna pala hehe.. Ano okay na ba to, Deanna? Maganda na ba?"

Ang landi naman neto mag salita! May pa 'Ihhhh' pa! Kainis!

"Oo okay na yan.. Ang ganda hehe parang ikaw. Hahaha, joke!" wtf, Deanna!

Grrrrrr! Sinong maganda, Deanna? Sino?! Sabihin mo sa harap ko!

Dumiretso na ng tayo si Deanna..

"Ayyy, wait, Deanna.. Parang ang panget neto kasi ehhh tignan mo.."  yumuko ulit si Deanna dun sa babae, may laptop pala sa harap nila.

Deanna ang lapit mo masyado sa malanding yan! Sisipain ko yan sa upuan! Bwiset!

Di ba talaga nila nararamdaman na nandito ako!

Closing TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon