3

4.5K 147 52
                                    

J

Naglalakad na ko sa emergency ward pabalik kay Deanna.

Inayos ko lang yung request for Xray and MRI niya at nag report ako saglit sa director namin, which is si Dr. Lazaro na.

And, yes, dito pa din ako sa Makati Med. Dito ko na din tinapos yung fellowship training ko sa orthopedic surgery, trauma surgery and sports medicine yung specialty ko. Pero mas nag focus ako sa trauma talaga, like this case of Deanna.

Bago pa ko makalapit sa ward, nakita ko ng naka open na yung partition curtain sa bed ni Deanna at ang dami ng nurse dun. Nakita ko na din si Jia dun.

Tumakbo na ko palapit kay Deanna.

What's happening? Bat may drop light ng dala yung nurse?

"What happened?" nag aalalang tanong ko sa isang nurse.

Hindi muna ako gaano lumapit.

Nakita kong kinakabitan na ni Jia ng oxygen si Deanna. At yung nurse kinukuha na yung bp niya. Sa kabila naman nilalagyan na siya ng pulse oximeter sa daliri niya.

"Doc, narinig na lang po naming may bumagsak dito, pag tingin po namin doc, nasa lapag na po yung patient, hirap huminga. Tapos nawalan na siya ng malay doc."

Fuck! Umalis lang ako saglit, nagkaganyan na siya. Ano bang nangyayari? Napaparanoid na ko. Ang tagal matapos mag assess nila Jia. Gusto ko na malaman anong nangyari kay Deanna.

Inantay ko sila matapos.. Di naman ako pwede makialam basta basta.

"Oh, Jema, nandito ka pala. Naka leave ka di ba?" bungad agad sakin ni Jia pagkakita sakin.

"I have to cut it short, Jia. Emergency."

"Emergency? Anong emergency, Jema?"

"Her... Kamusta na siya? What happened?" tinuro ko si Deanna na nakahiga at unconscious.

"Are you with her, Jema? She had a panic attack. Pero under observation pa, kung di maging normal breathing niya, we'll do some tests." Jia explained.

"Yes, I'm with her."

"Friend? Best friend? Cousin? Neighbor? Alin dun, Jema, that made you cut your leave short? Eh ang tagal tagal mo ng gusto mag leave pero ngayon ka lang na approve, tapos babalik ka agad." seyosong tanong ni Jia

Waaaahhhh.. Jia.. Dito mo talaga ako tatanungin? Pero tama siya. Sa tagal ko dito, ngayon lang ako nabigyan ng mahabang leave. Ang dami kong plano sana sa leave ko eh. Una dun ang bisitahin yung parents ko sa Laguna. Miss na miss ko na sila sobra...

"None of the above, Jia."

"Eh ano mo siya?"

"Jowa! The one that got away. Haha" bulong ko sakanya.

"Oh my god, Jema!" she exclaimed. Tinakpan ko agad yung bibig niya!

Naku, Jia! Mag iingay ka pa dito sa emergency..

"Ssshhhh, Jia! Wag ka maingay! Sumbong kita sa emergency head."

"Loka! Eh ako yun! Jema, siya yung kinuwento mo sakin dati?"

Si Jia yung nirecommend ni Dr. Lazaro na pumalit sakanya nung maging medical director na siya. Ang galing talaga kasi ni Jia.

"Oo, siya yun, Jia.." mahinang sabi ko

"Waaah! Jema! Destiny! Kwento mo sakin yan some other time ah? Pakilala mo ko. But, you know what, she looks familiar talaga, kanina ko pa iniisip nung inaasikaso ko siya." kunot noo na sabi ni Jia. Halatang nag iisip siyang mabuti.

"Sige na, kwento ko some other time. Puntahan ko muna jowa ko! Hahaha!"

"Ayy, nag leave ka lang nagka jowa na! Makapag leave na nga din." hahaha natawa ako kay Jia.

Pinuntahan ko na si Deanna. Unconscious pa din siya.

Tinitigan ko siya..

Makikita mo yung pagod at stress sa mukha niya.

Ang dami kong tanong...

Kanina ko pa napapansin yung hesitation niya going to hospital.

Tapos pagdating namin dito halatang di na siya mapakali. Parang takot na takot siya.

Pinapakalma ko na nga lang siya kanina eh. Kailangan kasi talaga niyang macheck.

Umalis lang ako saglit, nagka ganito na siya.

What's happening to you, baby..

Please tell me, maiintindihan ko. Tutulungan kita.

Nandito lang ako, Deanna. Hindi na kita iiwan...

Closing TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon