15

4K 130 34
                                    

J

Pag check ko sa kitchen ni Deanna.. Wala naman pala siyang stock.. Wala naman pala akong maluluto dito...

Pumasok ako ulit sa kwarto niya.. Mag shower na muna ako, lalabas ako para bumili ng breakfast namin para pag gising niya meron na..

Pag katapos ko mag bihis, lumabas na agad ako.. Madami namang fastfood sa paligid ng condo niya..

Naglakad lakad na muna ako at naghanap... Naku ang aga ko pa ata mag 5am palang ata.. Sarado pa yung nasa paligid ng condo ni Deanna. Pero ang alam ko may nadaanan kami kahapon dito na 24 hours na mcdo pero medyo malayong lakad yun.

Bahala na lalakarin ko na lang din, exercise. Tulog pa naman yun si Deanna for sure.. Hindi rin ako makakapag book ng grab, naiwan ko yung phone ko..

Ilang minuto din akong nag lakad. Medyo malayo kasi talaga tong mcdo... Nag order agad ako.. Kaso pinag antay muna ako... Nag pprepare palang sila... Ang aga pa naman kasi talaga...

"Haaaaayyy.. Sana di pa magising si Deanna..." bulong ko sa sarili ko habang nag aantay ng order ko dito sa table.

----------

D

Pag ikot ko sa kabilang side ko, wala akong nakapa.. Nasaan si Jema.. Katabi ko siya ah..

Napamulat ako ng mata ko... Ang dilim pa dito sa kwarto...

"Jemaaaaaa..." walang sumasagot.

"Jemaaaaaa..." tawag ko ulit, pero wala pa ding sumasagot.

Pinilit kong tumayo... Inabot ko yung saklay ko...
Fuckkkk... Ang sakit ng binti ko...

Chineck ko yung bathroom sa kwarto pero wala naman siya.. Lumabas na ko..

Wala siya sa living room.. Chineck ko siya sa guest room at sa bathroom dun pero wala din.. Wala din siya sa bathroom dito sa labas...

Kinakabahan na ko... Nasaan ka na Jema.... Iniwan mo na ba ko ulit?

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko...

"No, no, no.. Jemaaaa... Where are youuuu..." hinahabol ko na ang pag hinga ko...

Arrrggghhhh... Di ko alam ang gagawin... Hindi ko alam saan pupunta...

Nahihirapan na ko huminga... Nooooo....

Jemaaaaaa.... Come baaaaack....

Hahanapin ko siya baka nasa labas lang siya....

Nahihirapan ako lumakad pero hahanapin ko siya... Lalabas ako... Nandun lang siya...

"Jemaaaaaa.... Wait for meeee...."

Hindi na ko makahinga...

Nagdidilim na nga paningin ko....

Binilisan ko na... Pero bago pa ko makarating sa pinto... Natumba na ko...

"Ahhhhhhh.... Fuck!"

Nooooo... This can't be! Sabi niya di niya ko iiwan! She promised me!

"Jemaaaaaa!"

"Jemaaaaaa!"

----------

J

Pagka bigay ng crew sakin ng order ko, nagmadali na agad ako bumalik...

Wala akong makita man lang kahit taxi o ano... Para sana makabalik ako agad sa condo ni Deanna.

Nag aalala na ako eh... Natagalan na ako... Ang tagal dumating ng order ko! Sabi 10 minutes, dumating anong petsa na! Mamaya magising na yun si Deanna.

Sa hospital kasi pansin ko ang aga ng waking time niya. Tapos hahanapin niya ko agad... Hayst...

Lakas takbo na yung ginagawa ko... Maliwanag na din.. Past 6am na ata eh... Naku namaaaaan...

Pagdating ko sa floor ng unit niya tinakbo ko na talaga... Sobrang nag aalala na ko...

Pag bukas ko ng pinto....

"Jemaaaaaa...."

Oh myyyy god... I saw her on the floor...

"Deanna, hey, baby, what happened? Bakit ka nandito? Bakit ka tumayo?"

Inalalayan ko na siya... Naku sana naman di napano yung binti niya...

Umiiyak siyaaaa... Niyakap niya ko ng mahigpit...

"Jemaaaa... Where did you go? I thought, iniwan mo na ko ulit...." she said crying..

"Lika, baby, dun tayo sa couch..." itinayo ko na siya.

Dahan dahan ko siyang inupo sa couch... Gusto ko na sana icheck yung binti niya kaso ayaw niya ko bitawan. Nakayakap pa din siya sakin...

"Jema, please don't leave me..." she said sobbing...

"I won't leave you, Deanna... Sorry, baby... Natagalan ako. Bumili lang ako ng breakfast natin..."

"Akala ko iniwan mo na ko ulit..." medyo kumakalma na siya..

Bakit ganito yung reaksyon niya.. Eto ba yung sinasabi sakin ni Maddie non? At ni ate Cy?

Kanina nagising ako nananaginip siya, tinatawag niya si Celine.. Hanggang sa parang binabangungot na siya...

Nandito naman ako eh, bakit si Celine pa din yung hinahanap niya? Nasanay siguro siya na si Celine lagi ang nasa tabi niya...

Tapos, ngayong eto... Naabutan ko siyang ganito na para bang iniwan talaga siya, ang lalim ng mga iyak niya... Hindi basta iyak... Takot na takot siya... Kitang kita ko sa mga mata niya, ramdam ko sa mga yakap niya...

I can't imagine how hard it was for Deanna when Celine died.

Parang hanggang ngayon dala dala niya pa din yung trauma na yun.

"Baby, hindi na kita iiwan.. I promised.. Let me check your leg."

Tinignan ko yung binti niya.. Buti naman hindi napano..

Haaayyy.. Hindi siya pwedeng mawala sa paningin ko..

"Okay na yung leg ko, baby? Makakalakad na ba ko?" tanong niya sakin..

Okay na siya ulit..

"Okay naman, baby.. Konting rest pa, baby, sisimulan na natin yung therapy mo para makalakad ka na ah? Patience, baby, okay?"

"Aye, aye, doc!" sumaludo pa siya at ngumiti..

Kanina lang umiiyak siya ngayon ang saya na niya ulit.. Buti naman okay na siya..

Inayos ko na yung breakfast na binili ko... Dito na kami kumain sa living room..

Closing TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon