59

3.9K 160 20
                                    

D

"Jema, Deanna, ano ba ang sasabihin niyo? At dito pa talaga kayo dumiretso agad galing Cebu?" tanong ng mama ni Jema.

Nandito na kami sa likod ng bahay nila, sa garden. Nag memerienda na lang. Kaninang tanghali kami nakarating ni Jema dito sa Laguna.

Nandito din si Mafe. Pinapunta kasi siya ni Jema para isang sabihan na lang daw.

"Oo nga, mga anak ano ba ang sasabihin niyo?" si tito naman ang nagsalita.

Katabi ko si Jema. Sa harap namin sila tito.

Si Mafe nakatingin lang samin, particularly, sakin.. Di ko mabasa ang iniisip niya. Bad shot pa ata ako dito kay Mafe eh..

"Ah, tito, tita, Mafe.. Engaged na po kami ni Jema." ako na ang sumagot sa tanong nila.

"We're engaged po!" nakangiting sabi ni Jema, tinaas pa niya ang kamay niya na may singsing..

"Wow, anak! Congrats sa inyong dalawa ni Deanna." masayang sabi ni tita.

"Sa wakas, mga anak.. Eto na ang matagal niyong hinihintay." halatang masayang masaya si tito para samin.

"Sigurado ka na dyan, ate Jema?" seryosong tanong ni Mafe..

Eto na nga ba ang sinasabi ko.. Mukhang di pa buo ulit ang tiwala sakin ni Mafe.

"Oo naman, Mafe.. Hindi ako mag ye-yes kung hindi ako sigurado.." seryosong sagot ni Jema.

"I just hope you made the right decision, ate.." seryoso lang si Mafe, di siya ngumingiti.

"Tama na yan, halina sa loob.. Magluluto ako ng special na hapunan para sa atin. Para makapag celebrate naman tayo.." aya ni tita sa amin.

"Oo nga naman at doon natin pag usapan pa ang mga plano niyo sa kasal niyo.." tito Jess.

Tatayo na sana sila tito at tita pero pinigilan sila ni Jema..

"Wait, ma, pa.. May sasabihin pa po ako.."

Hinawakan ko ang kamay ni Jema sa ilalim ng mesa..

"Ano yun, anak?" tito Jess.

"I decided to stay with Deanna in Cebu po. Para makapag plano po kami ng maayos sa wedding namin."   casual na sabi ni Jema.

Bat parang di kinakabahan to si Jema? Eh ako nga kanina pa kabado dito eh sa kapatid palang niya..

"What?! Ate Jema? Pano trabaho mo?" si Mafe ang unang nag react..

"Ipapasa ko na resignation letter ko bukas.. Sa Cebu na ako magwowork.."

"You're crazy, ate.. Head ka na sa trabaho mo, tapos iiwan mo lang ng ganon? Eh di ba pinaghirapan mo yun?"

May point naman si Mafe. Eto din yung sinabi ko kay Jema eh. Pero ayaw na niyang magpapigil pa.

"Mafe, tama na yan.. Desisyon ng ate mo yun. Hayaan natin siya. Matanda na siya para mag desisyon sa sarili niya." pagpapatigil ni tito kay Mafe.

Mukhang di pa ata maayos ang magiging pag uusap namin ah..

"It sounds crazy, Mafe. Pero ilang beses ko ng binitiwan si Deanna para lang sa pagdodoktor ko. Di ba pwedeng siya naman piliin ko? Yung kami naman yung piliin ko ngayon? Pag pinili ko ba siya, di na ba ko pwede maging doktor non? Pwede pa naman di ba?"

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Jema..

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Masyado akong naoverwhelm sa mga sinabi ni Jema.

Iiwan niya yung posisyon niya sa hospital para makasama ako sa Cebu. Para makapagplano kami ng magkasama.

"Bahala ka ate.. Oo na.."

Tumingin sakin bigla si Mafe.. Shoot!

"Ate Deanna, umayos ka. Sinasabi ko sayo, kahit wala ako sa Cebu, pag sinaktan mo tong si ate Jema ulit, susugurin talaga kita don!" shit! Natakot talaga ako sa banta niya..

Pero di ko naman gagawin yun. Hindi ko na sasaktan si Jema..

"Aalagaan ko si Jema dun, Mafe. Wag ka mag alala. Hindi na mauulit yung dati."

"Oo na. Sige na, kung saan kayo masaya, ano pa nga bang magagawa ko kundi suportahan kayong dalawa.. Wag kayong mag aaway dun ah, walang aawat sa inyo dun.."

"Hay naku, daming sinasabi Mafe. Ayaw mo non solo mo na yung unit natin hehe.." nagbiro na si Jema kay Mafe.

"Mamimiss mo ko, ate.. Wala ng magpapalibre sayo don.."

"Naku, tong magkapatid na to.. Halina sa loob, mahamog na. Magluluto na ako ng hapunan natin.." aya ni tita sa amin.

Tumayo na kaming lahat at naglakad.

"Deanna, inom tayo pagkatapos ng hapunan ah? Bawal tumanggi." aya sakin ni tito.

Tumingin ako saglit kay Jema.. For permission hehe.

Tumango lang siya sakin..

"Sige po tito, mamaya po.."

"Ano ka ba, papa na ang itawag mo sakin.. Parte ka na ng pamilya namin."

"Sige po. Salamat po papa.."

"Sa akin din Deanna, mama na ang itawag mo ah?"

"Opo, mama.. Salamat po talaga.."

"Walang anuman. Magiging anak ka na din namin."

Ang sarap naman sa pakiramdam, welcome na ako sa pamilya ni Jema.. Si Mafe, konting suyo pa. Kayang kaya naman yan..

Pag pasok namin sa loob, si Jema at mama pumunta sa kusina para mag luto, si papa naman umakyat muna sa taas. Naiwan kami ni Mafe dito sa sala.

Magkaharap kami ng upuan. Busy siya sa phone niya.

"Mafe, kung anuman yung nangyari non, di ko talaga sinasadya yun. Mahal na mahal ko ang ate mo."

Binaba na niya ang phone niya at seryosong tumingin sakin.

"Napapagod na kasi ako sa inyo, ate Deanna. Pag iiyak si ate dahil sayo, nasasaktan din ako. Paulit ulit lang kayong dalawa. For once naman, ate Deanna ipaglaban mo naman yung sa inyo ni ate. Matanda na kayong dalawa."

"Tapos na kami sa mga pangarap namin. This time, makakaasa ka, Mafe hinding hindi ko na iiwan ang ate mo. Siya ang pipiliin ko anuman ang mangyari. Please just give me another chance.. Bati na tayo, please? Namiss na kita eh, ikaw kaya yung kasabwat ko lagi sa mga surprises ko kay Jema.."

Ngumiti na siya sakin.. Haaaayyyy sana naman okay na siya..

"Kainis! Hirap mo naman tiisin, ate Deanna. Ang lakas mo talaga sakin. Oo na! Bwiset ka! Bati na tayo.. Last na to ah. Kundi ibabaon na talaga kita sa lupa. Hahaha.." 

Lumapit na ko sa kanya at inakbayan siya..

"Sisiguraduhin kong di mo ko ibabaon sa lupa hehe.. I miss you, panget! Punta ka sa Cebu pag free ka.. Ipapasyal kita dun.."

"Talaga, ate Deanna? Libre ba yan? Hehe.."

"Oo naman! Ako bahala sayo dun.. Saka soon naman papapuntahin ko talaga kayo dun para magkita kita na kayo at ang pamilya ko.."

"Excited na ko! Beach tayo, ate Deanna ah?"

"Oo naman.. Mag eenjoy tayong lahat dun. Ako bahala sa lahat."

Nag usap pa kami ng kung ano ano ni Mafe. Okay na kaming dalawa. Buti naman at naayos ko na lahat sa pamilya ko at lalo na sa pamilya ni Jema.

Nabunutan na ako ng tinik sa lalamunan. Lahat ng plano namin ni Jema nasusunod naman.

Okay na kami pareho sa mga magulang namin. Nakapagpaalam na kami.

Pagpaplano na sa kasal namin talaga ang susunod naming haharapin ni Jema..

Sana hanggang sa dulo maging okay ang lahat at wala ng maging problema pa..

Closing TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon