Candy's PoV
Jusko para akong naging the flash sa bilis ng paglabas ko sa apartment ko. Niel ano nangyayare?!
Pagdating ko dun thank God di pa siya umaakyat sa barrier.
"Ano ba naiisip mo ha?! Kinabahan ako sa text mo!" Di ko alam may tumutulong luha na pala sa mata ko
"Hey! I'm sorry"
"Bwisit!" Hinigit naman niya ko para yakapin
"I'm sorry if my text made you worried. Thank you for coming for me"
"Bat ka ba kase nandito ha?!" Sabay punas ko sa luha ko
"Can we talk somewhere else? Ambaho eh haha aray! Bat nanghahampas?!"
"Kundangan sa Guada bridge mo pa naisipan magmuni muni ngango?! Tara na nga!"
Nauna ako maglakad pabalik sa apartment. Nakakainis! Kung makapagtext ng ganun parang wala lang habang ako alalang alala. Buset!
"Hey! Wait for me!"
"Bahala ka dyan sumunod bwisit ka!" Bat ba ko naiiyak peste
"Hey!" Sabay hila naman saken ni Niel paharap sa kanya
"Ano?!"
"Galit ka ba??"
"Ayy hindi! Hindi ako galit Niel. Tuwang tuwa ako na nagtext ka na parang magpapakamatay ka na naman. Ang saya ko grabe!" Sarkastiko kong sabi
"I'm sorry ok?"
"Sa susunod Niel wag naman ganun! Di pa nga kita jowa pinag-aalala mo na ko! Ni hindi ko alam kung dadatnan ba kitang nakalutang sa pasig pagdating ko!" Wala na peste mukha na kong tangang naiyak dito. Nakita ko naman siyang ngumiti
"Nginingiti ngiti mo dyan?!"
"Nothing. You just made me realize even more how important you are to me. You're the only ones that keep me sane. You make me feel like I'm still needed here. And I'm happy I stayed. Stop crying mahal..." tapos pinahid niya luha sa mga mata ko.
"Of course you're needed. I need you ☹️"
"What?"
"Wala! No repeat! Bahala ka dyan! Bleeh. Tara na sa apartment! Dun tayo mag-usap!"
Sabay lakad ko ulit, naramdaman ko namang nakahabol siya sa likod ko. Pagdating namin sa apartment...
"Spill..."
"Ha?"
"May natapon sa tabi mo"
Hinanap naman niya. Akala ko ba madalas mag english to bat natanga yata??
"Nakakaloka Niel. Ang ibig sabihin ko magkwento ka na! Bat ka naghahanap ng natapon? 🤦🏻♀️"
"Ahh. Hehe. Sorry na"
"Oh?"
"Ano... lumayas ako samen"
Eeehh??
"Ha? Bakit?"
"Nakakapagod magstay sa bahay na mali lang nakikita sayo. Kung hindi mali mo, hindi ka naman makikita kasi busy sila makipag-away sa isa't isa"
"Laging ganyan sa inyo?"
"I grew up in that environment Candice. No one cared about me except for my Nanay Ising who's been with me since I was a kid"
"Bakit sila ganun? I mean anak ka nila isn't it impossible that they don't care?"
"Well it's possible for my family Candice. What's more important for them is to dominate in the field they're in. My dad as a Dean and my mom as an elite in the business industry, I never felt them as a normal mom and dad"
BINABASA MO ANG
Your Guardian Angel
Fanfiction"Kuya pogi! Wag kang tatalon! Nakupo jusko! Wait!" "Sino ka ba?" "I'm just a concerned citizen who doesn't want to see any floating body in the Pasig... river!!" "Ha?" "Ayokong makakita ng patay! Jusko kuya!!"