14

584 38 1
                                    

"Pero pano na si tita dad?"

"Sa ngayon mukhang hindi pa daw alam ng mama ni Nathaniel na andito na siya sa Pilipinas"

"Sa ngayon? Ano ba?! Hindi pa rin ba siya titigil Dad?!"

"I don't know Candice"

"Hindi na ko papayag! Sumosobra na siya Dad!"

"What are you going to do?"

"Papanindigan ko na yung nasabi ko kay Niel kanina."

"Na ano?"

"Na mag-asawa kame"

"What?!"

"In that way, makakasama ko siya palagi. Hindi ko na hahayaang mawala pa uli saken si Niel dad baka kung ano na magawa ko"

"Relax Candice"

"Dad 5 years! 5 years yung nawala samen! Dahil lang sa nanay niya!"

"I know"

"Can you help me dad?"

"With what?"

"Gawing legal na kasal kami ni Niel Dad"

"Are you sure?"

"Never been more sure all my life dad"

"Mahal, wait for me please. Please"

Nagulat ako sa narinig ko. Nananaginip si Niel. Nilapitan ko siya at hinawakan ko kamay niya.

"Pogi, hinintay kita. Kaso kinalimutan mo naman ako. Wag kang mag-alala. Hindi na tayo magkakalayo"

"Mahal! Mahal! No!"

"Niel! Niel! Gising!"

"What? Anong nangyare?"

"Nananaginip ka Niel"

"Mahal..." parang kiniliti ang puso ko sa binanggit niya

"Ikaw ba si Mahal?? Ikaw ba yung minahal ko?"

"O-oo pogi. Ako to. Ako to si Candice, pogi" naiiyak na naman ako

"Pogi?"

"Yan palagi ang tawag ko sayo Niel. Pogi. Na nabigyang hustisya naman ng itsura mo talaga. Oh gwapo oh! Pak!"

"Tss. You're weird"

"Always pogi 😉"

"Ewan"

Tapos humiga na siya patalikod saken

Matapos makapagpahinga ni Niel, umuwi na kami. Oo, inuwi ko siya sa bahay ko. Since "mag-asawa" nga kame.

"Candice..."

"Hmm?"

"Anong alam mo tungkol saken?"

"Hmm. San ko sisimulan? Matatagalan tayo pag mula umpisa ako magkkwento"

"Mula umpisa please"

"Sabe ko nga ehh. Hmm. Suicidal"

"Ha?"

"Suicidal ka! Gustong gusto mo laging tapusin ang buhay mo"

"Isn't it obvious???"

"Nako jusko gagamutin pa nga pala naten yan!"

"Continue... this can wait"

"Edi continue! Napakahayblad naman pogi!"

"Tss. Stop calling me that!"

"Ayoko bleh oh shatap! Gusto mo ko magkwento di ba??"

"..."

"Suicidal ka. Una kitang nakita magpapakamatay ka dun sa bridge kung san kita nakita kanina"

"Maybe that's why I wanted to go there"

"Siguro? Malalaman mo din yan. Antay ka lang!"

"Wait? 2 years na kong nag-aantay na bumalik alaala ko tapos wait?"

"Ako nga 5 years?! Iuntog na lang kaya kita para maalala mo? Sabing wag sisingit nagkkwento ako ehh 🙄"

Hay nako Niel! Pasalamat ka mahal kita nako Lord! Patience!! Mas lumala si poging suicidal 😣

"Anyways ayon. Ehem. Lagi kang galit saken. Kase kinukulit kita. Lagi ko kaseng 'napipigilan' ang attempt mong mamatay"

"Paano?"

"Pagtalon sa tulay twice. Pagbabalak pumunta sa 'hell' once. Ahm ano pa ba? Pagpapakamatay in general?"

"Paano? Paanong andun ka."

"Aba malay ko din. Tanong mo sa multo"

"Multo?"

"Oo may katabi ka nga ehh"

"What?!" Sabay takbo saken ni pogi. Ikaw nga yan Niel, pogi. Takot ka pa rin sa multo hahahahaha

"Wala na umalis na!"

"Are you sure?! Sht"

"Del Rio words!"

"Sorry!"

"Maupo ka na nga! Jusko buti wala akong pasok bukas"

"May trabaho ka?"

"Opkors!  3 years na kong graduate ng college no!"

"Anong trabaho ko?"

"Wala. 3rd year college tayo nung huli kita makita malay ko kung nag-aral ka din sa abroad"

"Teka 3rd year college? Kasal na tayo ng college?"

"Oo! Mapilit ka eh"

"Ako?"

"Masyado mo yata ako mahal pogi gusto mo na tayo ikasal agad, syempre pumayag na ko mahal kita eh 😉"

"Really huh?"

"Oo kaso yung nanay mo epal"

"Si mama?"

"Oo nilayo ka saken ehh"

"She never cared for me. I think she never will"

"Buti alam mo! Nako jusko nanggigigil na naman ako sa nanay mo!"

Hinawakan naman niya ulo niya

"Ok ka lang?!"

"Wala talaga ako maalalang tayo, Candice sorry."

"Andito na ko tutulungan kita ok?"

"Salamat, mahal"

"Ha?"

"Di ba yun tawag ko sayo?"

I smiled bitterly

"Candice na lang muna. Saka mo ko tawagin niyan pag naaalala mo na lahat"

"O-ok sorry"

"Stop saying sorry wala kang kasalanan dito. Tara na matulog na tayo"

Your Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon