Chapter 22
Nang iniuwi na ako ni Ciann sa bahay, dumiretso na ako ng kwarto ko at tili ng tili na parang wala nang bukas. Alam niyo bakit? Sige sabihin ko na, KINIKILIG ako sa mga nangyare kanina. Ganito pala ang feeling pag kinikilig ka. Yung tibok ng tibok yung puso mo halos na di ka na nga makahinga. Tapos gusto mo makatili na parang nasasapian ka o ewan. Habang nagpapakabaliw ako sa kama ko biglang may nagChat sa Fb Messenger ko....
"Hi Mika! I never knew na ikaw ang Girlfriend ni Ciann. Dati ko pa alam na may Girlfriend siya, pero di ko ineexpect na ikaw yun. Sa totoo lang wala naman akong gusto kay Ciann eh. Di nga rin ako payag maging Fiancee niya. Pero I'm doing this for my Mom. Kaya no hard feelings nalang kung sino ang mapipili ni Ciann sa huli. I'll do my best and You also should do the same. May the best girl wins?"
Huhuhuhu! Bakit ba ang bait niyang nilalang? Ang ganda na nga, ang bait pa! Diyosang-diyosa talaga! Kaya naman nireplyan ko agad chat niya...
"Salamat Arian ah. Akala ko nga magagalit ka saakin nun dahil mang-aagaw ako. Pero sige, may the best girl wins. No Hard Feelings to each other." Reply ko naman.
"Your Welcome. Bakit naman ako magagalit? Sa totoo nga parang ako yung nagiging mang-aagaw sainyo eh." Chat niya
"Di ah! Di ko naman feel na karibal kita sa Pag-ibig." Reply ko.
"You think? Thanks Mika. Your the very first friend I ever had." Chat niya.
"Hehehe! Flattered." Reply ko sabay nun di na siya nagchat kaya inOut ko nalang din Fb ko.
Buti di galit saakin si Arian. At ang masaya dun, walang gusto si Arian kay Ciann! Akala ko sa una magkakaroon na ako ng karibal, at isa pa, kaibigan ko pa! Pero buti hindi.
*next Day*
Lalabas na sana ako ng bahay para pumasok na sa school nang biglang may pumreno na kotse sa harap ko.
*beep*
*beep*
"Betty, sakay ka na." Sabi ni Ciann habang nakashades at nakasilip sa bintana.
Nakita ko naman ang mga kapit-bahay na kinikilig saamin. Patay! Chismis ito.
"E-Excuse me? Di kita kilala kuya!" Sorry Ciann, nakakahiya mga pinaggagawa mo. Pero di mo alam kung gaano ako kinikilig.
Sabay nun tumakbo ako palayo narinig ko naman si Ciann na sinigawan ako. Sorry talaga Ciann.
Nang makapunta na ako ng School may nakita akong nagkukumpulan na lalaki sa may hallway.
"Sorry Boys, di ako pwede sa Date." Teka...familiar yung boses na yun ah.
Pinilit kong isiksik ang sarili ko sa siksikan na mga lalaking ito na parang may pinagkukumpulan na babae. Pagkarating ko sa gitna, si Arian ang pinagkukumpulan nila.
"MIKAAAAAA!!" Sigaw ni Arian sabay yumakap saakin.
"Arian?! Anong nangyayare dito?" Tanong ko kay Arian.
"Mika tulong, gusto kasi nila ako iyaya sa date. Kaso alam mo naman na bawal ako diba?" Grabe!! Mga Thousand yata sila nanditong nagkukumpulan tapos lahat sila gusto iDate ang iisang babae?! SERYOSO?!
"Yaan mo ako bahala." Sabi ko sabay itinago si Arian sa likod ko sabay akong sumigaw....
"Ho--...." Sisigaw na sana ako nang may tumakip sa bibig ko.
"Ako na bahala dito." Pagkalingon ko si Ciann! MY GHAD! Heart Beating Alert!!
"Sabi nga ng babae na ayaw niya makipagDate diba? Wala ba kayong tenga?" Sigaw ni Ciann sa mga lalaki. Natakot naman sila at lumayo na sabay tumakbo. Nakakatakot muhka niya pag galit talaga.
"Salamat Ciann at Mika. Savior ko kayo." Pasasalamat ni Arian saamin.
"Diba dapat may Bodyguard ka? Di ba naghihire yung Dad mo nun para sayo?" Tanong ni Ciann. Parang wala lang nangyare sakanila ni Arian. Normal sila mag-usap. Ouch! Okay, selos ako.
"Ahh, oo nga eh. Kaso sabi ni Dad kasama naman kita sa iisang school kaya di ko na daw kailangan ng Bodyguard." Paliwanag naman ni Arian. Paano yun? Lagi nasa tabi ni Arian si Ciann kahit magCR?!
Nagpakita nalang na sumasangayon na expression si Ciann at sabay nun hinila na niya kamay ko at hinila na ako paalis ng hallway.
*Nang makapunta na kami ng Garden*
"Bakit ko ako tinakbuhan kanina?" Nakakatakot na tanong ni Ciann. PATAY
"A-A-Ahh..... Wala!" Sabi ko NERVOUSLY
"Wala ka diyan. Naiilang ka ba saakin pag kasama mo ako?" Tanong ni Ciann saakin.
"Bakit naman ako maiilang sayo?" Mataray kong sagot
"Wag ka na magmalinis pa. May gusto ka saakin noh?" Pang-aasar ni Ciann saakin.
"Utut mo! Baka may Gusto?" Sabi ko sabay tumalikod. SHIETEEE!! Di ko kayang sabihin sakanya na may gusto ako noh!
"Good. Kasi akala ko nahuhulog ka na saakin eh." GOOD?! SERYOSO?! Bakit? Ayaw niya bang magkagusto ako sakanya? "Wala akong time para sa Romance na yan. Masasaktan ka lang pag nagkagusto ka saakin. That kiss nung kagabi, please think of it as an Act." ANO BA PINAGSASABI NG LALAKING ITO?! Sa mga sinasabi niya palang, nasasaktan na ako eh. At yung hinalikan niya ako kagabi.... THINK OF IT AS AN ACT?! Sa tingin niya ba madali yun gawin?
"Di mo naman na kailangan ipaliwanag eh. Wala naman kasi akong gusto sayo." Sabi ko sabay di mapigilang mapaluha sa sinabi niya. Bakit ganun? Kung kailan nalaman ko nang nagkakagusto na ako sakanya, tsaka niya yun sasabihin ng diretsu saakin?
Umalis na ako Rooftop at dumiretso na ng Classroom nang wala man lang paalam kay Ciann.
BINABASA MO ANG
I'm Dating the Black Prince [SLOW UPDATE]
Ficção AdolescenteBoyfriend! Boyfriend!! Boyfriend!!! Yan ang mga usong topic ng mga babae namin sa school. Ewan ko ba pero bakit ba usong-uso ang magkaBoyfriend? Sabi nila, ikaw na daw ang pinakamagandang babae pag nagkaBoyfriend ka na. Eh lagi nga akong pinagsas...