Chapter 31
Mika's POV
Ito kami ngayon ni Ady, hila-hila niya parin ang kamay ko. Awkward silence parin kami. Ni-wala man lang gustong magsalita saamin.
"Sorry Kanina..." Sambit ni Ady sabay kaming tumigil maglakad.
"H-H-H-Huh? Hindi, okay lang! Nabigla lang naman ako kanina eh." Sabi ko nang napalingon naman siya. Seryoso ang muhka at titig na titig saakin.
"Pero seryoso ako sa sinabi ko kanina Mika. I've always liked you simula nung bata palang tayo." Napatingin naman ako kay Ady na halatang di nagloloko sa mga sinabi niya. Di ko aakalain na ang sweet at mahinhing Ady ay may gusto pala saakin?
"Salamat Ady, pero..." Sabi ko sabay napatingin sa lupa. Di ko kasi alam gagawin at sasabihin sa feelings na ipinapahiwatig niya ngayon. Tingin ko lang talaga kay Ady ay isang Bestfriend at Kapatid simula nung bata palang kami.
"Alam ko Mika. Mahal mo si Ciann." Napalingon ako pabalik sakanya and at the same time, naiilang na sakanya.
"Sorry Bespren. Kung kailan ka bumalik tsaka ko pa nasira puso mo." Sabi ko sabay napalingon ulit sa lupa nang hinawakan niya ang baba ko at inilingon sa muhka niya.
"Hindi totoo yun. Expect ko naman simula nung nasa London pa ako na may makikilala kang magpapatibok ng puso mo at kailangan kong maging handa dun. Kaya wag ka mag-alala, dahil hindi ako ang tipong lalaki na gumigive up sa mga ganitong bagay." Paliwanag ni Ady sabay niyakap ako. "Kung Mahal kita Mika, Mahal talaga kita. Kahit ano mang mangyare."
Napayakap nalang din ako kay Ady at napaluha ng onti. Bakit ba kasi di nalang ako lumingon sa puwesto ni Ady?! Kung kailan makakaranas na ako ng Mutual Love. Bakit ba kasi nagpakita pa si Ciann. Di sana ako makakasakit ng tao ngayon. Sana Masaya kaming nagmamahalan ngayon ni Ady. Kaso si Ciann ang tinitibok ng puso ko. PESTE KA TALAGA CIANN! Umalis ka na kasi ng puso at isip ko!!
Nang matapos na ang araw, inihatid na ako ni Ady pauwi.
"Ady, itatry kong Ibalik sayo ang feelings mo." Sabi ko habang bubuksan yung gate nang...
"Di mo alam kung gaano ako kasaya sa sinabi mo Mika." Niyakap ako ni Ady sa likod at sabay niya sinabi yun.
Ngumiti nalang ako at pumasok na ng bahay. Sabay nun ay sinalubong ako ni Mama.
"Hi Ma." Sabi ko sabay niyakap si Mama ng mahigpit.
"Hays! Boys Problem ba kamo?" Sabi ni Mama sabay lumingon saakin at binigyan ako ng napakaKalma na ngiti.
"Ma, ang hirap mainlove. Tulungan mo akong tanggalin si Ciann sa isip ko Ma." Sabi ko habang di ko mapigilang mapaiyak.
"Anak, hindi yan magagawa ng kahit sino. Kundi ikaw lang." Napatingin naman ako kay Mama.
"Pero Ma ang hirap! Masyado ko nang Mahal si Ciann." Sabi ko sabay niyakap ulit siya.
"Then Don't force it anak. Kung ano sinasabi ng puso mo, sundin mo. Wag mong piliting ibahin dahil mahihirapan ka lang." Napaluha nalang ako at sabay nun ah niyakap akong mahigpit ni Mama.
Gusto ko nang bumalik sa normal kong buhay. Nung di ko pa nakikilala si Ciann. Ang saya ko pa nun. Ito ba talaga ang kalabasan pag nagkaBoyfriend ka?! Actually, Fake Boyfriend?! Ang sakit mainlove!! Sobrang sakit!
Ciann's POV
"Sir, ito na po ticket niyo sa flight. Have a safe trip to America po sir." Sabi ng driver ko sabay binigyan ako ng salute.
"Makapaalam ka naman na parang di na tayo magkikita." Sabi ko sabay sinuntok siya ng mahina sa braso.
"Hehehe. Happy Wedding nalang po sainyo ni Miss Arian." Napatigil ako sa pagtawa ko at napatingin sa ticket kong papunta sa Wedding ko sa America.
Kasal ko na kay Arian once na makapunta na ako ng America. Kahit ayaw ko, pumayag nalang ako dahil meron nang magpapasaya kay Mika.
Bakit ba kasi ang bobo ko sa Pag-ibig?!
BINABASA MO ANG
I'm Dating the Black Prince [SLOW UPDATE]
Teen FictionBoyfriend! Boyfriend!! Boyfriend!!! Yan ang mga usong topic ng mga babae namin sa school. Ewan ko ba pero bakit ba usong-uso ang magkaBoyfriend? Sabi nila, ikaw na daw ang pinakamagandang babae pag nagkaBoyfriend ka na. Eh lagi nga akong pinagsas...