CHAPTER 3

75 2 0
                                    

-Kesha's POV-

Lumipas na yung limang subject at as usual wala na naman akong natutunan.

Bakit kasi hindi pumapasok sa utak ko yung dinidiscuss nila. Nakikinig naman ako. Hayy.

Si Nikko, naka headset. Tulog. Ganyan siya lagi.  Pero palaging siyang prefect sa mga seatwork at quiz.

Paano niya kaya yun nagagawa? Huhu.

Si Blake, kanina pa siya nakaubob. Okay lang kaya siya? Masama ba yung pakiramdam niya?

Hinipo ko yung noo niya.

Ang init. Grabe. Tsk, bakit kasi hindi siya nagsasalita. Aish! Pasaway talaga.

"Blake. Huy." gising ko.

"Uhmmm."

"Tara sa clinic. Nilalagnat ka." sabi ko.

"Ayoko wag na. Itutulog ko nalang to." sagot niya.

"Joke ka ba Blake. Ilang oras ka na natutulog hindi naman umaayos yung pakiramdam mo. Lika na."

"Aish, pano yung gamit natin." tanong niya.

"Hayaan mo jan. Hindi naman holdaper yang Nikko na yan. Lika na."

Bumaba kami sa clinic. Inaalalayan ko si Blake pababa. Baka mamaya mahilo sa hagdan parehas pa kaming tumaob.

Pagdating sa clinic, pinahiga agad siya tska pinainom ng gamot.

Pinatulog din muna siya para medyo gumaan daw yung pakiramdam niya.

"Blake, balik muna ko sa taas ha. Dito ka lang. Sabay tayo umuwi mamaya." paalam ko.

Nag nodd naman siya tska pumikit.

Bumalik na ko sa room at gising na ang prinsipe.

Hindi ba siya nabibingi dun sa headset niya? Ang lakas kasi medyo naririnig ko since medyo magkatabi kami kasi nasa clinic si Blake.

My Perfectly Imperfect Fiancee (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon