-Kesha's POV-
Nandito kami sa kwarto ko.
Movie marathon kami ni Blake. Wala namang pasok bukas eh.
Tinawagan pala ni mommy si Blake para samahan ako since nextweek pa sila uuwi.
Si manang lang yung kasama namin dito tska yung ibang guards.
Si Blake dun siya tutulog sa guest room. Alangan naman dito diba?
Hmp, kahit bestfriends kami niyan. Lalake pa din yan. Mahirap na. Ang ganda ko pa naman. Hahaha.
Pero sanay na din kami na lagi siya nandito. Minsan dito pa natutulog. Para na kasi kaming magkapatid eh.
Sabay pa kami pinanganak. MTB talaga no? Kaso hindi pede eh. Hayy.
"Insidious nalang, Blake" request ko.
Hahaha duwag kasi to. Promise. Hahaha.
"Wag na, despicable me nalang." sabi niya.
Kita niyo? Duwag kasi yan. Sobra. Hahaha.
"Please? Papabili kong ice cream." sabi ko.
Nakikipagkalakalan na ko dito para lang sa Insidious. Hindi niya kasi natatanggihan ang ice cream. *evil laugh*
"Tss, oo na. Oo na. Bahala ka diyan. Matutulog na ko." sabi niya sabay higa at nagkumot niyapos yung spongebob ko.
Waaah, sana ako nalang si spongebob. T^T
Tse, kadiri Kesha. Ano ba yan.
"Okay, walang ice cream." sabi ko.
Bigla naman siyang bumangon at umupo yapos pa din yung spongebob ko.
BINABASA MO ANG
My Perfectly Imperfect Fiancee (KATHNIEL)
Teen FictionLove will always be a battle- battle between what you really feel and what you think you should feel. Is it the one you love or the one that loves you? Meet Kesha Jane Chua, simpleng babaeng naipit sa pagmamahal ng fiancee niya at sa lihim na pagti...