-Kesha's POV-
Weekends. Nandito si Blake sa bahay. Naglalaro sila ni Tanya.
Si Nikko naman, ewan ko, may pinuntahan daw. Mamaya daw siya dadaan dito.
"Hoy Blakey, sasama tayo sa trip ah." sabi ko.
"Oo, si Nikko sasama daw?"
"Oo, kailangan eh." sagot ko,
Mukhang naiintindihan ni Tanya yung pinaguusapan namin kaya nagtanong siya.
"Where are you going tito Blake?" tanong niya.
Binigyan ako ni Blake ng wag-mo-sabihin look at mukhang naintindihan naman niya.
"Ah, baby, kay daddy mo nalang i-ask yan mamaya pagdating niya ha." sagot niya.
Sana makalimutan ni Tanya itanong. Hayy.
Tatlong araw nalang aalis na kami.
Kung pwede lang itago si Tanya sa bagahe namin eh. Hahaha.
Nandito kami sa salas, nanunuod ng Phineas and Ferb. Favorite ni Tanya.
Pero di naman nanunuod kasi naglalaro sila ng leggo ni Blake sa carpet.
Nagpaluto na din muna ko ng mirienda kay Manang.
Hapon na pero wala pa si Nikko, sabi niya kasi dadaan daw siya dito bago umuwi.
Buti hindi pa hinahanap ni Tanya kasi busy sa paglalaro.
"Mimi can I ask for a milk?" tanong ni Tanya.
"Nako, napagod na si little princess. Haha." sabi ni Blake.
Natawa naman ako at kumuha ng milk ni Tanya.
Pagbalik ko, nakapwesto na agad siya ng higa.
Nakahiga siya sa lap ni Blake habang yapos yung unan niyang baby silvester
Ang cute.
Napaisip ako.
BINABASA MO ANG
My Perfectly Imperfect Fiancee (KATHNIEL)
Novela JuvenilLove will always be a battle- battle between what you really feel and what you think you should feel. Is it the one you love or the one that loves you? Meet Kesha Jane Chua, simpleng babaeng naipit sa pagmamahal ng fiancee niya at sa lihim na pagti...