CHAPTER 17

60 0 0
                                    

-Kesha's POV-

Nandito kami sa bahay, binibihisan ko si Tanya.

Kila Nikko daw kami mag didinner eh.

Ewan ko ba. Kinakabahan ako.

Never pa kong nakapunta sa bahay ng lalake.

Hindi pa ko nagkakaboyfriend ever. Nakakaloko no? Tas biglang malalaman kong engaged na pala ko.

Lintik ka tadhana.

Yung tungkol naman sa 3days trip namin, napapayag ko si Nikko.

Weakness non si Tanya eh.

Kaso hindi pa naman nasasabi kay Tanya eh. Nextweek pa naman yun.

Bubwelo muna kami. Hahaha.

Binihisan ko siya ng sleeveless na pinatungan ng white cardigans tapos yung sleeveless nakatucked- in sa metalic skater skirts niya. Tapos keds na teal blue.

Fashionista like mommy.

Ang ganda niya, kamukha ko talaga siya. Ang galing nga eh.

Siya siguro talaga yung pinadala ni Lord para sakin.

Yung suot ko naman floral dress lang na 2inch above the knee.

Tapos,black na cardigans tapos flats.

"Mimi we're so pretty na." sabi ni Tanya.

"Of course baby." sabi ko tapos hinug niya ko.

Sweet diba. Hayy.

Nakaayos na din yung bag ni Tanya.

Pinagbaon ko siya ng 2 bottle ng milk. Baka manghingi eh.

Bumaba kami para antayin si Nikko.

"Wow, ang gaganda naman. Very pretty naman ng aming little Princess."sabi ni Mommy

"Big girl na princess Tanya ko ah." sabi ni Daddy.

My Perfectly Imperfect Fiancee (KATHNIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon