"Hi" bati ng isang makisig at matipunong lalaki.Masasabi kong gwapo siya.Hindi ko alam kung nasaan ako at hindi ko rin kilala ang lalaking nasa harap ko.Naiilang akong bumati pabalik sa kanya.
"H-hi" nauutal na sabi ko.Ngumisi siya.Naglahad siya ng kamay sa akin.Tinitigan ko lang ang kamay niya.Unti-unti ko itong inabot at nakipag kamay sa kanya.
"What's your name?" tanong niya.Nanatiling nakatingin ang mata ko sa kamay naming magkahawak.Unti-unti niya tinanggal ang kamay niya sa kamay ko ng nag-angat ako ng tingin sa kanya.Pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Uh-uhm.S-sorry" ani niya sabay kamot sa ulo.Hindi ako umimik Pinagmasdan kong mabuti ang itsura niya.Gwapo siya.Yung kapal ng kilay niya, yung mata na kapag tinitigan mo ng matagal ay parang malulunod ka, yung tangos ng ilong niya, makukurbang labi at ang kinis ng mukha niya.Gwapo siya.At masasabi kong nasa kanya na ang lahat.Tumikhim ako at nagsalita.
"Im Mharta..and you are?" Ani ko.
"Luois"ani niya sabay ngiti.Ngayon ko lang napansin ang cute na dimple sa pisngi niya.Ngumisi ako.Ang cute pala nitong lalaking ito.
Pero teka.....namumukhaan ko itong lalaking ito ehh.Hindi ko lang maalala kung saan kami nagkita pero ang alam ko ay nagkita na kami.
"Naiilang ka ba sakin?" ani niya na ikinagulat ko.Oo, naiilang ako sa kanya pero...
"H-hindi.." pagsisinungaling ko.Hindi ko alam kung bakit ako napadpad sa lugar na ito.Kaming dalawa lang ang tao dito. .
Or multo siya..hahahah chour..
Pinagmasdan ko ang paligid.Maganda...Puno ng magagandang halaman at bulaklak.Tama lang ang init ng sikat ng araw.And yes....mukha itong paradise.Pero....paano ako napunta dito??
Binalot kami ng katahimikan.Ewan ko ba...hindi siya umiimik at hindi rin ako umiimik.Mahigit isang oras ata kaming walang imikan.
"Uhmm..." basag niya sa katahimikan.Hindi ako nagsalita, pinagtaasan ko lang siya ng kilay.I know..this is awkward.He know it too.
"M-mharta??" tanong niya.
"Hmm??" ako
"Bakit ka nga pala nandito?" tanong niya.
Bakit ako nandito? Ay Hindi ko alam...Napunta lang ako sa lugar na ito.Hindi ko na maalala ang lahat...Ano ba nangyari? Paano ako napadpad sa lugar na ito?
"H-hindi ko alam.." nakayukong sabi ko.
"Pwede ako makipag-kaibigan sa iyo?" nakangising tanong niya.Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya.Hindi ako friendly pero.....mukhang wala na akong magagawa.
"Oo naman." Ani ko.
Nanlaki naman ang mata niya dahil sa gulat.
"T-talaga?" gulat parin na tanong niya.Tumago ako.Ngumisi ako at naglahad ng kamay sa kanya.
"Friends?" tanong ko.Tinanggap naman niya ang kamay ko.
" Friends" nakangiting aniya.Masaya ako na nagkaroon ako ng kaibigan dito sa mala-paraisong lupa.
........
But then...it was just a dream.Tiningnan ko ang paligid at napagtanto ko na nasa kwarto ako ng apartment ko.
BINABASA MO ANG
Dream come True
Teen FictionAkala ko totoo ang sinasabi nilang "Dreams never come true" but im wrong. Cause it came....