Chapter 3

410 9 0
                                    

D a v e 's  P.O.V

     Umiiyak siya sa harap ko. Hindi ko mapigilang masaktan ng dahil sa nangyayari sa kaniya. Hindi ko alam kung paano ko siya papatahanin.

     Nandito ako ngayon sa bar dahil inaya ako ni Zeiya kanina. Kanina pa siya inom ng inom at umiiyak.

"Ang gago niya! Hindi man lang ako hinayaang mag-explain." sigaw ni Zei.

     Kanina pa niya yan paulit-ulit na sinasabi. May alam ako sa nangyari dahil nung sinundo ko siya sa harap ng condo niya, matino pa siya.

     Hindi ko nga alam eh, ako yung nandito pero iba yung gusto niyang makasama. Parang na no choice lang siya ngayon. Ako raw niyaya niya kasi hindi alam nung kaibigan niya. Baka daw sigawan ulit siya at pagsabihan sa kagagahan niya.

     Kaya heto kami ngayon, nakaupo sa loob ng bar. Pinagmamasdan ang mahal kong umiiyak dahil iniwan siya ng mahal niya.

     Matagal ko ng kilala si Zeiya, wala lang akong lakas ng loob para i-add siya sa Facebook. And I was shocked nung nag-notify sakin sa friend request ko na inadd niya ako. I pretend na I don't know her para hindi halata.

     Yung mga banat ko sa kaniya, matagal ko ng gustong sabihin sakaniya yun. Then, boom!

"MGA MANLOLOKO KAYONG LAHAT!" nagulat ako nung bigla siyang tumayo at sumigaw. "HINDI NIYO MAN LANG ALAMIN KUNG ANONG NARARAMDAMAN NAMING MGA BABAE!" nakuha niya ang atensyon ng lahat.

"Zeiya, let's go." aya ko sakaniya. "Lasing na lasing kana, tama na yan."

     Binuhat ko na siya dahil ayaw niyang umalis.

"Pasensya na po sa nangyari." hingi ko ng paumanhin sa ginawa ni Zeiya.

     Habang buhat buhat ko siya, bigla siyang sumayaw. Ang kulit naman, baka mabitawan ko siya.

"Zeiya, ano ba?" suway ko. "Stop moving, baka ma-out of balance ako. Sabay tayong babagsak."

"Ikaw lang ang babagsak, kasi matagal na akong bagsak. Ni hindi nga ako sinalo eh." umiiyak na sabi niya. "Pft HAHAHA!"

     Binuksan ko na ang kotse na dala ko para mailagay siya sa loob.

"Bakit lagi nalang tayong iniiwan?" Zeiya.

"Kasi hindi natin sila deserve. And masyado pa tayong bata kaya aral muna." sagot ko.

"Gago yun, hindi manlang ako hinayaang mag-explain. Magulo naman talaga kung anong meron sa amin." reklamo niya.

     Pinaandar ko na ang sasakyan at hinatid siya pauwi. Hindi na siya nagsalita dahil nakatulog na sa sobrang kalasingan at pagod.

"Kapag na pa sakin ka, hinding hindi kita sasaktan." bulong ko.

***

     Pagkarating namin sa tapat ng condo niya,bigla siyang sumigaw.

"THISH ISH THE BESHT BIRTHDAY EVER!" Zeiya.

     Oo nga pala, birthday niya bukas.

" Halika na, nandito na tayo sa tapat ng condo mo." sabi ko sabay alok ng kamay ko para makalabas na siya.

"It's already 11 pm. May pasok pa tayo bukas. " paalala ko.

     Hindi pa rin siya lumalabas kaya binuhat ko nalang ulit. Napahinto ako nung naramdaman kong palapit ng palapit ang mukha niya sakin.

     Nilayo ko na baka kung saan pa mapunta. Lasing pa naman din to.

" Zeiya, susi ng condo mo."

"Nasha bag, kunyen mo dun." sagot niya.

     Paano ko makukuha? eh buhat buhat ko siya. No choice ako kundi ibaba siya saglit.

     Nang makita ko na ang susi, agad ko itong binuksan para makauwi na rin. Binalikan ko si Zeiya na nilapag ko sa may gilid at binuhat.

     Iisa lang naman ang kwarto sa condo niya kaya alam ko. Nilapag ko na siya may higaan niya. Tinanggal ko ang sandals niya at kinumutan.

     Bago ako umalis, hinalikan ko muna siya sa may noo. At umalis.

***

Zeiya's P.O.V

     Nagising akong ang sakit sakit ng ulo ko. Anong nangyari? Bakit ang sakit?

     Bumangon ako para tignan ang oras. Ah 8 am palang pala. Wait, what?!

"F*ck, late na ako."

     Dali dali akong pumuntang c.r para maligo. Hindi ko na pinansin ang pagsakit ng ulo ko dahil sa hangover.

"Ayoko ng magmahal para hindi na ako uminom ng alak." sabi ko sa sarili ko. "Ack! It hurts, a lot."

     Natawa ako sa mga pinagsasasabi ko. Today is September 7. Wait??? It's my birthday!

     Birthday ko pala ngayon, hindi ko manlang natandaan. Iba talaga kapag nasasaktan.

     Mabilis lang akong naligo para makahabol sa next class ko. Siguro 2nd subject nalang ang papasukan ko.

    Nagbihis na ako at kinuha ang mga gamit ko sa school.

                      - To be Continued -

    

    

PangakoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon