Chapter 15

196 6 0
                                    

Z e i y a 's P.O.V

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa sunod-sunod na katok sa labas ng condo ko. Wala akong choice kundi bumangon.

Sayang, ang ganda pa naman din ng panaginip ko. Huhu!

Dumiretso ako sa banyo sa loob ng kwarto ko at nagtoothbrush. Hindi pa rin tumitigil kakakatok yung tao sa labas.

Pagkatapos kong gawin ang routine ko kapag bagong gising ay binuksan ko na ang pintuan.

"Hi Zeiyaaaa!!! namiss mo ba ako?" agad akong napakamot sa ulo ng makita ko ang oras sa wall clock ko. Alas syete palang.

"Ang aga mo namang mambulabog." reklamo ko sakaniya.

"Hindi mo manlang ako namiss?" balik tanong niya at agad akong sinugod ng yakap.

"Uhh, tignan mo kung anong oras palang. Ang ganda pa naman din ng panaginip ko. Hahalikan raw ako ni Lee Jong Suk tapos para kang nanghahamon ng giyera kakakatok sa labas ng condo ko." napakamot naman siya sa ulo at tinawanan ako ng napakalakas.

"Wala akong pake, ang mahalaga gising kana. Baka kung hindi ako dumating nabangungot kana." sinapak ko naman siya at hinayaang makapasok sa loob.

"Anong gusto mong ulam?" tanong ko dahil paniguradong hindi 'to kumain.

"May gamot ka bang pampatanggal ng sakit? Sobra kasing sakit nito." sabay turo niya sa puso.

"Wala, pero pwede mong sabihin sakin kung bakit masakit yan." suhestisyon ko. "Kaya pala ang aga mong napadpad sa dito."

"Kasi Zeiya, masakit eh." naluluhang sabi niya.

"Pwede mo namang sabihin sakin. Makikinig ako. Pero luto muna ako ng kakainin natin dahil masama magpalipas ng gutom."

Inihanda ko ang mga ingredients para sa lulutuin ko. Almusal lang naman kaya't itlog at may patatas nalang ang iluluto ko.

Tahimik namang nakaupo si Cheeny sa may sala. Parang kanina lang ang sigla ng babaeng to tapos biglang mananahimik ng ganyan.

Nakakapanibago.

Pagkatapos kong magluto ay tinawag ko na siya para kumain.

"Halika na, kain muna tayo bago mo sabihin sakin. Masama magpalipas ng gutom. Knowing you na ang tamad mong kumain." sermon ko. Ang payat payat na nga, tamad pa kumain.

"Oo na, eto na." wika niya sabay tayo sa kinauupuan niya.

Tahimik kaming kumain at hindi mawawala ang katamaran namin.

"Huy, sino magliligpit? ako na nga nagluto eh." reklamo ko.

"Eh sino ba kasing may sabing magluto ka, ha?" pambawing reklamo niya.

"Bato-bato pick nalang para walang daya."

"O sige, kung diyan ka masaya."

"Bato-bato pick/bato-bato pick" sabay naming kanta.

"✋" ako.

"✌️" Cheeny. "Nyenye, ikaw pa rin magliligpit HAHAHAHAHAHAHA"

"Bakit ba ako nalang laging natatalo?baka naman ginayuma mo kamay ko para matalo akooooo!!!" reklamo ko.

Tinawanan lang niya ako. Inumpisahan ko ng magligpit at hinugasan ang pinagkainan namin.

"Pwede bang dito muna ako tumira sa condo mo? 1 week kalang naman dito diba?" Cheeny.

"Pwede naman. Paalam ka muna kay Tita baka lumayas ka nanaman."

PangakoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon