Chapter 20

190 6 2
                                    

C h e e n y 's P.O.V

"Whaaaa! bakit mo sinabi sa kaniya yung kahihiyan ko?!" sigaw ni Zeiya sakin. Tinawanan ko lang ito at nagpatuloy sa pag-ilag.

Kanina pa niya ako hindi tinatantanan. Suntok dito. Hampas doon.

"Zeiya, tama na. Ang sakit na, hmp!" asar kong tugon.

"Bakit mo kasi sinabi eh? hmp!" panggagaya niya sa reklamo ko.

Pinatay ko na ang tv at tumayo galing sa pagkakaupo nang wala akong maramdang titigilan ako ni Zeiya.

Pumasok na ako sa silid na pansamantalang titirahan ko. Iniwan ko siya doon na nakasalampak sa sahig. Nahulog nung tumayo ako.

Nilock ko na ang pintuan para hindi na manggulo.

Inihiga ko na ang katawan ko sa kama. Nakaramdam ako ng ginhawa nang dumapo ang likod ko sa malambot na higaan.

Hindi na ako nagtaka nang may kumatok sa pintuan ko. Talagang hindi ako tatantanan ng babaeng 'to. Hindi ko nalang pinansin dahil wala ako sa mood at sumasakit ang katawan ko.

Hinayaan ko nalang siya. At hinayaan kong lamunin ako ng antok.

Pagkamulat ko ng mga mata ko ay agad kong nakita si Kyle. Halos manginig ako makita siyang umiiyak sa harap ko.

"Baby, yakapin mo ako. Pagod na pagod na ako..." aniya.

Lumuhod ito sa harap ko at hinawakan ang mga kamay ko.

"Balikan mo na ako. Parang awa mo na..." pinantayan ko ang ulo niya at agad ko itong niyakap.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang rason ko. Natatakot ako na baka magpumilit siyang sabayan ang paglaban ko.

"I-I'm s-sorry..." iyun lamang ang nasabi ko. Hindi alam ang salitang sasabihin ko.

"Kyleee!" rinig kong pagtawag ng babaeng familiar sa akin ngunit hindi ko maaninag ang mukha niya.

Napabitaw ito sa pagkakayakap sakin at agad tumayo para salubungin ang babaeng  papalapit sa gawi namin.

"Kyle!" tawag ko. Hinihingi ang atensyon niya. Nagbabakasakaling lumingon sa akin at bumalik sa pagkakayakap niya ng mahigpit.

Ngunit hindi siya lumingon. Patuloy pa rin siya sa pagtakbo para salubungin ang babae ng mahigpit na yakap. Hindi na ulit ako nilingon pa.

Wala na akong magawa kundi tawagin ulit siya ng tawagin. Nagbabakasakali.

"Kyleeeee!!!"

Napabalikwas ako ng bangon ng maramdaman kong pinagpapawisan ako at puno ng luha ang pisnge ko. Nakahinga ako ng maluwag ng isa lamang pala itong panaginip.

Tumayo ako at dumiretso sa banyo. Tinignan ko ang sarili ko sa malaking salamin.

Matamlay.

Luhaan.

Nasasaktan.

Pagod.

Ilan sa mga nakikita ko sa sarili ko.

Pagod akong yumuko. Binuksan ko ang faucet at naghilamos ng mukha. Umaasang mabawasan ang matamlay at luhaan kong mukha. Inabot ko ang towel na nakasabit sa taas.

Dahan-dahan kong pinunasan ang sarili ko na parang kunting diin lang ay masusugat ako.

Ipinatong ko ang mga kamay ko sa sink at tinitigan ang mukha ko.

PangakoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon