Chapter 28

155 5 0
                                    

Mabilis lumipas ang araw na naging linggo hanggang sa naging buwan at naging taon. Ganoon pa rin, lumalaban pa rin sa buhay. Panibagong taon nanaman ang bumungad sa amin ngayong araw.

"Love, halika, dali." rinig kong sigaw sa akin ni Dave na may hawak na paputok. Natulala ako sa sayang nararamdaman ko. Sana magpatuloy na ito at tuluyan ko ng maibaon sa nakaraan ang nakita ko.

Lumapit ako rito na agad naman akong hinawakan sa bewang at hinapit palapit sakaniya. Niyaya ako nitong magbagong taon sakanila. Tuwang-tuwa naman ang mga magulang nito lalo na ang mga kapatid ni Dave.

Nung pasko naman ay nasa bahay ito at nakidiwang sa amin. Inabot nito sa akin ang isa pang paputok. Hindi ko alam ang tawag doon pero yung hinahawakan sa dulo na parang stick. Huhu malay ko dyan.

Nakangiti kaming ngumiti sa camera ng pumunta sa harapan namin si Tita at kinuhanan kami ng larawan.

"Tumalon ka para naman tumangkad ka." bulong sa akin nito.

"Ang sarap mong tadyakan, grR. Edi humanap ka ng matangkad!" singhal ko rito. Natawa naman siya sa sinabi ko at inilapit ang mukha sa leeg ko.

"Ayoko nga." inirapan ko lang ito at kinurot sa tagiliran. Hindi ko ikakahiyang may pagkamaliit ako, eh bakit ba?

Ang lakas manglait porket hanggang balikat lang ako nito. Sarap manapak.

"Iha, halina kayo sa loob at magsasalo-salo na!" eksayted na tawag sa amin ni Tito. Lumapit naman agad sa akin ang pangalawang kapatid nito na si Mikye.

"Shoo, kuya. Pasolo rin kay ate, kanina mo pa nilalandi eh." nang-aasar na wika nito. Agad naman sumama ang mukha ni Dave pero wala ng siyang nagawa dahil hinila na ako nito papasok.

Inalayan ako nito papasok sa gate at nasa likod naman namin si Dave, siya na rin ang nagsara ng gate.

Ang daming pagkain, nyumi!

"Kain kalang, iha. Nako, masasarap yan kahit na natuluan ng pawis ko yan." natawa kami sa huling sinabi ng ginang.

Ipinagpatuloy naming kainin ang mga masasarap na nasa hapag. May mga prutas, gaya ng dalandan, mansanas, saging, lemon at iba pa. May mga chocolates din na nakahain at nakalagay sa kulay pulang lalagyan. May mga mabigat naman sa tiyan, gaya ng pancit, spaghetti, carbonara at palabok. Nyumi talaga 'to.

"Kailan na nga ulit kayo nagkakilala nitong binata ko?" biglang tanong ni Tito. Nagkatinginan kami ni Dave,kininditan lang ako nito at isinubo ang chocolate'ng hawak.

"Sa internet po, Tito. Tamang landian  lang po kami sa chat." sagot ko at natawa sa huling sinabi. Napuno ng tawanan ang hapag dahil sa kwentuhang nagaganap.

Nang matapos ang kainan ay tumulong ako sa pagliligpit. Nung una ay ayaw akong payagan ni Tita, pero nagpumilit ako kaya sa huli ay kaming tatlo ang naghugas ng pinagkainan at nagligpit ng pinggan. Si Mikye ang nagsasabon, samantalang ako naman ang nagbabanlaw. Si tita naman ay inaayos ang lamesa.

"Ate, mahirap ba ang college?" puno ng kyuryosidad na tanong nito.

"Uhm, kapag hindi ka nag-aaral at hindi  nag-aadvance reading, mahirap." simpleng paliwanag ko. Naalala kong malapit na pala itong magcollege. This school year na.

"Mahilig ka namang mag-aral eh. Lagi ka ngang with highest honor." pagpapagaan ko ng kalooban niya. Baka matakot eh. Lagi nitong napeperpekto ang mga test, maaral ang batang to.

"Uumpisahan ko nalang magbasa-basa para may idea na ako kahit papaano." tumango lamang ako at ipinagpatuloy namin ang ginagawa.

Umupo ako sa tabi ni Dave na kasalukuyang nakaupo sa may sofa nang matapos ang pagliligpit at paghuhugas namin ng pinggan.

PangakoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon