Chapter 25

172 2 0
                                    

Z e i y a 's P.O.V

"Kain muna tayo. Nagugutom na ako!" reklamo sa akin ni Gwyn. Lagi nalang reklamo ng reklamo' to. Ang gandang sapakin.

"Sino ba kasing may sabing gutumin mo sarili mo? Duh!" asik ko.

"Pa-surprise surprise pa kasi, magbre-break rin naman." mapait na aniya. Inirapan ko nalang ito at bumalik sa ginagawa.

"Bitter mo, ha!" abay inirapan rin ako. Gaya-gaya.

Kasalukuyan kaming nag-aayos para sa surprise na gagawin ko. Niyaya ko sina Gwyn at Kuya Kyle sa Baguio. Tapos na rin naman lahat ng mga gawain namin sa school. Wala na rin kaming problema sa finals dahil tapos na.

"Tama na yan, masyadong maeffort. Tatawanan ko talaga kayo kapag nagbreak kayo!" pang-aasar lalo ni Gwyn.

Bakit ba ito ang sinama ko?

Kasama rin namin si Kuya Kyle. Pero siya ang magsusundo kay Dave. Hindi alam ni Dave na nanggugulo kami dito sa condo niya, more on nagkakalat.

Inumpisahan ko nang magdikit ng mga hinipang lobo namin ni Gwyn. Wala kaming pambomba, poor kami. Awit.

Tagal na rin naming hindi nagkikita kaya plinano ko talagang isurpresa siya.

"Bobo, hindi pantay!" suway sa akin ni Gwyn ng makita ang ginagawa ko.

"Edi sana ikaw na nagpresintang maglagay, amp." asik ko rin.

"Sino ba kasing may sabing hindi ko ididikit yan?" hindi ko nalang siya sinagot at inumpisahang tanggalin ulit ang mga idinikit ko.

Hindi kami mapakali ng may sunod-sunod na katok ang umalingawngaw. Nagkatinginan kami ng Gwyn. Hindi pa tapos pero nandito na sila? Aish.

Sinilip ko ang maliit na hole na nakalagay sa pinto para makita kung sino ang nasa labas. Pucha, si Kyle lang pala.

"Tagal niyo namang buksan, nangangawit na ako sa dala ko." reklamo niya. Infairness, puro reklamador mga kasama ko.

"Akala ko kasi ay kasama mo na si Dave." inilapag nito ang mga dalang pagkaing pinamili niya. Nag order nalang kami ng luto na para hindi na kailangang lutuin.

"Anong oras na?" tanong sa akin ni Kyle. "Para alam kong sunduin na yang bebe mo."

"Mag-aalas tres palang. Mamayang 5pm pa yun."

"Wag mo ng pauwiin." pambabara ni Gwyn.

Kumain muna kami ng meryenda dahil hindi pa kami nagtatanghalian. Kinain namin ang extra'ng pinamili ni Kuya Kyle kanina. Tatlong box na may lamang pizza, carbonara, pancit, shanghai, spaghetti at graham. Binawasan namin ang pizza dahil masyado na iyong marami at sa kadahilanang nagugutom na talaga kami.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na si Kuya Kyle. Pinagpatuloy na rin namin ang pagdidikit ng mga lobo sa pader.

"Itagilid kaya natin ng kaunti para kunware may design." suhestisyon ni Gwyn. Tumango lang ako at naggupit na ng mga tape para maidikit.

Nang matapos ay nagkanya-kanya kaming punas ng pawis dahil sa pagod at init. Buti nalang at may dalawa akong extra shirt. Pinahiram ko ang isa kay Gwyn para hindi siya matuyuan.

"May aircon naman kase bakit hindi natin swinitch?!" natawa ako dahil hindi manlang namin napansin na may aircon pala doon at nagtitiis kami sa init. Yaman naman ng papi, may pa-aircon kahit malamig ang klima dito.

Nakatulog si Gwyn dahil siguro sa lamig. Nakakaantok talaga. Mag-aalasingko na at hindi ako mapakali. Ang tagal naman nila.

Kinuha ko ang dalang sasakyan ko para puntahan si Dave ngunit hindi ako magpapakita. Natagalan akong maghanap ng parking lot, ngunit nakahanap rin ako.

PangakoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon