Chapter 33

123 8 0
                                    

Z e i y a's  P.O.V

[Love,are you still there?] rinig kong tawag ulit ni Dave sa kabilang linya.

"Hindi ako nainform na Love na pala ang pangalan ko, Dave." seryosong sagot ko.

[Our endearment is love.] paratang niya.

"Kahit ba break na tayo ay love pa rin ang tawagan natin?" naiinis kong sagot. Hindi ko alam kung anong binabalak nito, porket alam niyang hindi pa ako nakamove on sakaniya ay pinaglalaruan na niya ang nararamdaman ko.

[Oh, come on love. You know how much I love you, right?] malambing na aniya.

"Dave, kung ano man ang balak mo ay hindi nakakatuwa. Itigil mo na kung ayaw mong hininga mo ang tumigil." pagbabanta ko. "Pinakawalan na kita kasi una sa lahat ikaw mismo nagsabi sa akin na hindi mo na ako mahal. Ngayon na sinasanay ko na ang sarili kong wala ka ay tsaka ka naman makikipaglaro."

[Hindi ako nakikipaglaro.] tila naglalaro ang galit sa boses nito. Ay, siya pa galit?

"At mas lalo ako. Stop this." wika ko.

[We can start again. You know, I'll court you again and then---]

"And then you'll leave me again." pagpapatuloy ko. "Mahigit isang taon na simula nung nagbreak tayo, huwag ka namang manggago ulit." nakikiusap kong sabi. "Nakakapagod kapag ginagago."

[Let's meet.]

"No. No is a NO." mariing sabi ko tsaka ko pinatay ang tawag.

Pinower off ko ito para hindi na ulit siya tumawag at manggulo. Ang lakas ng tibok ng puso ko, na parang wala sa oras ay lalabas ang puso ko. Huminga ako ng malalim para kahit papaano ay mawala ang galit at inis na nararamdaman ko dahil kay Dave.

Nang kumalma ay bumalik ako sa kusina kung saan iniwan ko si Mommy para sagutin ang tawag ni Dave. Naabutan ko itong umiinom ng tubig, nagdahan dahan ako para hindi niya ako marinig o makita.

"BOO!" panggugulat ko sabay hawak sa balikat nito.

"ZEIYA!!!" asar na tawag nito sa akin dahil sa ginawa ko. Nabuhos sa suot nitong pantalon ang tubig na sana ay iinumin niya ngunit nabuhos dahil sa panggugulat ko.

Tumatawa ako habang tumatakbo palayo kay mommy dahil mala-dragon yan kung gumanti. Bubugahan ako ng apoy dahil sa inis at galit.

Kahit papaano ay nawala  sa isip ko ang sinabi sa akin ni Dave kanina. Hindi ko matanggap na kahit na sobrang sakit ng ginawa niya sa akin ay siya pa rin. Buti nalang at nakontrol ko ang sariling humindi sa unang sinabi nito.

Dumating ang hapunan ay sabay sabay kaming kumain. Pumunta sila Lolo at Lola dito para makisalo na rin kasama ang isa sa pinsan namin.

Tahimik ang hapag, tanging tunog lang ng kutsara at tinidor ang naririnig nang magsalita si Lolo para kamustahin ang anak nitong matagal ring hindi umuwi.

"Ayos lang naman po, Tatay. Pasensya na po at matagal tagal po bago ako nakauwi." sagot ni Mommy na kasalakuyang katabi ko sa hapag.

Marami pang itinanong si Lolo kay Mommy, habang kaming magkakapatid naman ay walang imik at nakikinig lang sa mga sinasabi ng mga matatanda.

Nang matapos kumain ay gaya ng nakasanayan ay tinutulungan ko si Mama sa pagliligpit. Nadagdagan nga lang kami ng isa dahil nandito si mommy.

"Ma, balak kong tumira ulit sa condo ko." pamamaalam ko ng maalala kong ang tagal ko na palang hindi nagagamit iyon.

PangakoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon