--- Chapter 3 - Start of Plan.
1 week nalang.. Magbbakasyon na. Friday ngayon. Halos mabingi ako sa Kwento ni Ian kahapon. Ang daldal. Binigay ko din kay Ian yung number ni Mika.
Nandito pa ako sa bahay. 5:00am palang. Well. Sanay na ko na ganto gising ko. Magisa lang ako dito sa bahay. Di naman ganong kalaki ang bahay. Sakto lang. Halos kalahati nitong bahay ay kwarto ko. 5years simula nung umalis sila dad, Pinarenovate ko tong bahay. Pinatanggal ko lahat ng di naman mahalaga. Ginawa kong kwarto ko ang kalahati. Oo. Ako lang magisa nakatira dito. Fuck Life!
Well.. Tutal 1 week nalang naman magbabakasyon na eh. Papasok ako at.. Sisimulan ang plano ko. >:) Actually, Ako lang ang magsisimula, Pero Ipapasa ko din kay Ian..
Kung magtatagumpay ako dito sa First Step.
On the way na ako sa school dala ang Simpleng kotse ko. Hay.. Nakakagaan talaga ng loob pag ito ang sasakyan ko.
Malayo pa ako sa school. Traffic pa.. Nakakantok tuloy. Lumabas ako ng kotse ko ng biglang may nahagip ang mata ko.. Si Mika. Naglalakad magisa. Hm.. Masabayan nga.
Tinawagan ko ang isa sa mga guards ng bahay at sinabing kuhanin ang kotse dito. Well.. Wala akong paki kung magtraffic man dito o ma-Tow tong kotse ko. Marami akong
pambili nyan.
"Hi." Bati ko na ikinagulat naman ni Mika.
"Hello." Malumanay na sabi nya.
Teka.. Bakit parang may mali.. Bakit parang..
"Bakit ang Lungkot mo ?" Tanong ko na may halong pagaalala.
Nakita kong nangingilid ang luha nya. Makalipas ang ilang segundo.. Yumakap sya sakin.. At Umiyak.
Hinayaan ko lang sya. Tutal malapit pa rin kami sa Kotse ko at di pa naman umaandar ang lahat.. Sinabi ko sa kanya na dun nalang kami sa kotse magusap.
Tinawagan ko ulit yung Guard na tinawagan ko kanina at sinabing wag na syang tumuloy.
Nandito na kami sa kotse. Ang Bigat ng Atmosphere. Walang gustong mag salita samin. Si Mika ? Patuloy lang sa pagiyak. Di ko pa natatanong sa kanya kung ano ang
problema. Mag sasalita na sana ako ng biglang..
"B-break n-a K-k-am-m-mi." Sabi nya sa kalagitnaan ng hikbi at tama lang para maintindihan ko.
Teka.. Ano daw ? Break na daw sila ? So Meaning may Boyfriend sya ?
"Break na kayo ?" Bobong tanong. Sinabi na nga eh.
"O-oo." Sabi nya habang umiiyak.
Wala akong magawa dahil hindi naman ako nagpapayo. Kahit kanino. Tyaka di ko naman alam kung pano talaga gagawin. Wala akong alam eh. Tamang may Girlfriend ako.. Oo.