Chapter 5 - The Truth

12 0 0
                                    

---Chapter 5 The Truth.

Nakalipas ang limang araw ay nagawa ko na ang lahat ng dapat gawin. Nandito ako ngayon, Nagmumuni muni habang naghahantay ng Tamang oras para sa pagalis. Tama lang naman na pumunta ako dun diba ? Tama lang naman na pumunta ako dun kay Mom diba ?

Handa na ang lahat. Nakalagay na sa kotse ang mga gamit ko.

May isang bagay pa pala akong nakalimutan. Si Syd, Ang walang kwentang babae. Tss. Money girl.

Fucking Bestfriend Calling...

"Ano ?" Sagot ko.

"Paalis ka na ?" Sabi sa kabilang linya.

"Di pa naman. Bakit ?"

"May gustong magpaalam sayo. Papuntahin ko dyan o ikaw pupunta dito ?" Sino ang taong tinutukoy neto ?

"Ako nalang pupunta dyan."

"Sige. Hantayin kita."

"Ge. Fuckyou."

Binaba ko na ang tawag at sumakay sa kotse. Kung sino ka man, Siguraduhin mo lang na matino kang tao.

Nandito na ako sa bahay nila Ian. As Usual, Sira nanaman ang pinto ni ungas. Sinipa ko eh. HAHA!

"Pambihira naman. Wala pang isang linggo yang pinto na yan eh." Reklamo nya.

"Bili ka nalang ng Bago. Nasayo naman credit c..." Tinakpan nya yung bibig ko. Teka. Bakit nya tinakpan ? "Bakit mo tinakpan bibig ko ?"

"Si Syd. Nandyan. Baka ako perahan non pag nalaman nyang nasakin Card mo." Paliwanag nya.

Kaya naman pala eh. Hay..

"Sino ba yung sinasabi mong magpapaalam sakin ?" Tanong ko.

"Si Syd. Wait. Tawagin ko." Sabay talikod at.. "SYD! Nandito na si Justin."

"Ayan na!" -Syd

Akala ko pa naman kung sino yung magpaalam sakin. Lintek na babae lang palang mukhang pera. Buwisit! Nagaksaya pa ako ng oras.

"Justin ? Balita ko sa Pangasinan ka magbabakasyon ? Akala ko pupunta tayong Paris This Vacation ?" See ? Mukhang pera talaga.

"Wala ka ng pakelam kung pupunta ako don. At Yung sa Paris na yon, Magpunta ka magisa kung gusto mo." Hasik ko sa kanya."Sige Tol. Alis na ko." Paalam ko.

"Sige. Ingat Par." Paalam nya sakin.

Iniwan ko silang dalawa dun ni Syd. Hay.. Nakakasira ng araw. Makaalis na nga.

Mabilis kong narating ang Pangasinan. Never pa ko nakakapunta sa bahay nila Mom. Pero Madalas akong magpunta sa Baguio kaya alam ko kung pano pumunta ng pangasinan.

Since di ko alam ang lugar nila Mom dito sa pangasinan, Tinawagan ko sya kanina at Sinabing sunduin ako sa Sm Baguio.

Saglit lang akong naghantay sa Mall dahil pagdating ko ay ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating na si mom.

"Hi Mom!" Bati ko. "Imissyou." Sabay halik sa Pisngi.

"Imissyoutoo, Son." Malambing na sagot nya. "So.. Tara na ?"

"Tara po." Sagot ko.

"Where's Your Car ?" Tanong ko kay Mom.

"Wala akong Kotse Anak. Mamaya malalaman mo ang lahat. Tara na."

Halos 2hours Din ang Byahe mula Baguio hanggang sa Bahay nila Mom. Nakarating na rin kami. Nakakapagod na araw!

"Where's Your House ?" Tanong ko.

"Yan. Yan ang bahay ko dito." Sabay turo sa isang Maliit na bahay. Oh my! Halos kalahati lang ng kwarto ko ang bahay ni Mom dito.

"Seryoso ka mom ? Bakit.."

"Shhh. Magpapaliwanag ako." Natahimik ako bigla at nagsimula na syang magpaliwanag. "Nung iniwan ka namin ng dad mo.. Oo.. Ang dami kong dala non. Nakapagpatayo ako ng bahay dati. Nakabili ako ng kotse. Pero.. Sobrang lungkot ko kaya naging sandalan ko ang Sugal. Naubos lahat ng pera ko dahil sa sugal. Pati ang bahay at kotse ko, Nabenta ko na dahil sa sugal. Kaya di na ako nakabalik non sayo.. Dahil nahihiya ako.. Dahil mahirap na ako. Wala akong mukhang maiharap sayo non, Hiyang hiya ako kaya di ako nagpakita sayo. Ngayon lang ako nagkaron ng lakas ng loob na kausapin at harapin ka. Alam kong ang laki ng kasalanan ko sayo. Pero sana mapatawad mo ako. Andami kong pagkukulang. Ang tagal ko ng nangulila sa iyo anak."

Kaya pala. Kaya pala di na sya nagpakita sakin. Ngayon.. Kasama ko na tong Mom ko. Kung di sya makakabawi sa'kin.. Ako ang babawi sa kanya.

Falling Out Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon