Chapter 7 - Bonding With Cousin.

18 0 0
                                    

---Chapter 7 Bonding With Cousin.

Tulad nga nang sabi ni Mom, Umuwi nga ang mga pinsan ko. Wish ko lang matitino tong mga to. Dalawang araw na sila dito at di ko parin sila nakakausap. Wala pa ako sa mood makipagusap. April 13 na. Still.. Wala parin akong makausap na matino dito. 5days na ko dito. Gusto ko ng umuwi. Hay..

Nakahiga ako ngayon sa Sofa ng biglang lumapit sakin ang sinasabi ni Mom na pinsan ko daw.

"Hi." Ngiting bati nya sakin. Seriously, Lalaki sya.

"Hello." Bati kong walang gana.

"Ako nga pala si Nicholl. N-I-C-H-O-L-L." Inisa-isa pa nya yung letter. Akala ko "NICOLE" eh. HAHA! Pero Tama rin ang ginawa nya para maliwanagan ako.

"Joseph." Sabi ko sabay tango.

"So.. Anak ka pala ni Tita Rhiane ? Ngayon lang kita nakita ah. At ngayon ko lang nalaman na may anak pala si Tita." Tanong nya sakin na may kasamang pagkamangha.

Tango nalang ang naisagot ko. Parang hindi naman 21 yearsold to kung kumilos. Parang mas matanda pa ko dito eh. Tss! Pero Ayos to ha. May kausap na akong matino. HAHA!

Nalaman kong dito pala sya nakatira. Nagaral lang sya ng college sa Isang Marine School sa di ko matandaang lugar.

Halos limang oras din kami magkausap netong si Kuya Nich. Nagkwento sya ng nagkwento sakin. Halos buong buhay nya kinwento nya para lang maaliw ako.

Di naman sya nabigo. Ngayon.. Masasabi kong close na kami.

"Tara. Sama ka sakin. May pupuntahan tayo." Yaya nya sakin.

"San tayo pupunta ?" Tanong ko. Wala akong ideya eh.

"Basta. Tara na."

"Sige." Pagsangayon ko. Kahit wala akong ideya kung san ako dadalin neto, Pumayag nalang ako.

Kasalukuyan nyang nilalabas yung Motor nya at ako naman nag hahantay lang dito sa labas.

"Matagal ka pa ba ?" Sigaw ko sa kanya. Naiinip na ako.

"Saglit nalang." Sagot nya. Hay. Pambihira.

Buti nalang at may tindahan dito. Makapagyosi.

Pabalik na ko sa tapat ng bahay ng may nakita akong isang babaeng naglalakad.

Isang babaeng masasabi mong one of a kind. Isa sa mga maganda sa buong mundo.

Isang babaeng pag nakita mo.. Hahangaan at hahangaan mo sa ayaw at sa gusto mo. At ang pinakamalala.. Di mo sasadyaing mahalin sya dahil sa ganda nyang dala

Para akong napako sa kinakatayuan ko. Ngayon masasabi ko ng Totoo ang Love At First Sight.

"HOOOOOY! Para kang nasemento dyan ha ?" Panggulat sakin ng Pinsan ko.

"Ah.. Eh.. Wala. Tara na!" Yaya ko sa kanya.

Sana makilala kita. Sana maging akin ka. Kahit anong pagsubok, Gagawin ko basta maging sakin ka lang.. Stranger Girl.

Ilang saglit pa at nakarating na kami sa pupuntahan namin. Di ko inakala na Malapit lang pala ang dagat dito.

"First time kong makapunta sa dagat." Sabi ko sa kanya na ngayon ay pinaparada ang motor nya.

"Talaga ? Kami nananawa na dito eh. Halos araw araw ba naman kaming nandito noon eh. HAHA!" Pagmamalaki pa nya. Nakakatuwang isipin na ang taong ngayon ko lang nakilala ang bubuo sa araw ko.

Naglakad lakad kami saglit at pagkatapos ay bumili kami ng pagkain sa malapit na supermarket.

Pagkatapos naming mamili ay may pinuntahan nanaman kami. Hay.. San nanaman kaya ako dadalin neto ?

Ilang minuto pa ay may narating na kami. Kita dito ang buong shoar ng beach. Nasa isang di malamang lugar kami ngayon. Wala na akong balak magtanong dahil naeenjoy ko ang mga oras na to. Grabe. Ang ganda ng tanawin.

Ngayon lang ako nakakita nito. Sa Makati kasi.. School, Mall, House And Street lang ako nagpupunta.

"Dito ako nagpupunta dati nung may mabibigat na problemang dumadating sakin o gusto kong mapagisa." Paliwanag nya. Kaya pala. Kaya nya pala ako dinala dito dahil nakakagaan ng loob. Totoo naman. Nakakagaan nga ng loob dito sa lugar nato.

Falling Out Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon