---Chapter 6 New Decision.
Nakakamiss rin pala si Ian kahit papano. Kung tatanungin nyo kung kamusta ako, Masasabi kong hindi okay. Napakalungkot dito. Dalawang Araw palang ako dito pero nababagot na ko. Gusto ko ng umuwi sa bahay pero gusto ko pang makasama si mom.
Mas gusto ko yung gantong buhay.. Yung simple lang. Masasabi ko rin namang simple lang ang buhay ko sa Makati. Yun nga lang.. Tahimik dito, At.. Di na gagalaw ang pera ko. Mas gusto ko to. Yung mahirap lang. Nakakasawa din ang maging mayaman. Walang Thrill.
Tumawag ako kahapon sa bahay at sinabing kunin ang kotse ko dito. Wala namang gagamit nito kaya pinauwi ko na lang. Ayoko rin namang gumala. Wala akong gustong mapuntahan.
Ano kayang magandang gawin dito ? Nakakabagot talaga.
Kahit san ka lumingap, Mabibilang mo lang ang taong talagang may kaya sa buhay. Ano kaya kung.. Mangpanggap din akong mahirap ? Sounds Rude pero wala namang mawawala kung susubukan ko diba ? Tama. Magpapanggap akong mahirap.
Kasalukuyan akong naglalakad pauwi. Pinagtitinginan ako ng mga tao. San ako galing ? Wala. Naglakad lakad lang. Nababagot ako sa bahay. Wala rin naman akong napala sa paglalakad ko. Napagod lang ako.
Pano kaya ako magsisimula ulit dito ? Pano kaya ako magkakaron ng kaibigan ? Wala akong ideya. Hay. Buhay. Parang life.
Nakauwi na ako ng bahay. 6pm na. Maghahantay nalang ako ng ilang oras para makatulog na.
Habang kumakain kami ni Mom, Napansin kong parang may bumabagabag sa kanya. Susubo na ako ng pagkain ng biglang nagtanong si Mom.
"Son, Kailan ka uuwi ng Makati ?" Tanong nya. Napaisip ako saglit. Natigilan ako.. Kelan nga ba ?
"Di ko pa po alam eh. Bakit po ?"
"Kung pwede.. Wag ka ng bumalik don. Dito ka nalang magtapos ng pagaaral mo." Pagmamakaawa ni mom.
Di ko alam isasagot ko. Wala akong ideya na sasabihin pala to ni Mom sakin. Di ako handa.
"Pagiisipan ko po." Walang ano-anong Sagot ko.
Ayokong magaral dito. Pero nagmakaawa na sakin si Mom.
Hay. Bahala na. Bago lang sakin to. Ang pagisipan ang desisyong gagawin ko. Ngayon lang nangyare to.
Nakatapos na kaming kumain at nakapagligpit na din si Mom.
Nanunuod ako ng T.V ng biglang nagsalita si Mom. Di ko maintindihan dahil nasa kusina sya. So lumapit ako sa kanya.
"Ano po yung sabi nyo ?" Tanong ko.
"Ah. Ang sabi ko, Balak yatang umuwi ng mga pinsan mo dito. Bukas yata uuwi sila dito. Dito din magbabakasyon." Sagot ni Mom.
Ano naman sakin kung umuwi mga pinsan ko dito ? Paniguradong wala rin namang mangyayare kung umuwi sila dito.
Dalawang bahay nga pala ang meron dito. Dalawang bahay pero nasa iisang gate lang. Bali katabi lang namin ang bahay ng pinsan kong sinasabi ni Mom.
Tango nalang ang naisagot ko at nahiga na ako.
Tatlong oras na ang lumipas simula ng mahiga ako pero di parin ako makatulog. Kanina pa ako nahiga. 8pm palang nahiga na ako. Anong oras na ? 11pm na. Badvibes naman. Anong meron ? Bakit di ako makatulog ? Tae naman.
Kinuha ko ang CP ko at nagsuot ng headset. Makikinig nalang ako ng Music.
Hay. Di talaga ako makatulog. Naglalaro ako ng Games sa CP ko ng biglang nagtext si Syd.
Ano nanaman kaya to ?
From SYD. :
"Mr. Rain Joseph Natividad. Matagal ka pa dyan ? Miss na miss na kita. :( Ingat ka. Iloveyou."
Pffft. Miss na nya ako o ang pera ko ? Tss.
To SYD :
"Magtatagal pa ko dito."
Wala akong ganang magreply kaya yan nalang ang sinabi ko.
From SYD :
"Ganon ba ? Kung magtatagal ka dyan.. Magbreak nalang tayo."
Sa wakas. Nasabi rin nya. Naging malaya na din ako.
To SYD :
"Fine."
Ayokong makipagbreak sa kanya noon dahil ayokong masabihang HEARTBREAKER. Di ako ganong tao.
Nagpatuloy ako sa paglalaro. Parang walang nangyare. Ilang oras din akong naglaro. At sa wakas, Dinalaw rin ako ng antok.
Great decision, Makipagbreak ka sakin. Salamat at Malaya na rin ako sa wakas!