--- Chapter 8 Meet The Stranger Girl.
Magisa lang ako dito ngayon sa bahay. Pano ba naman kasi.. Umalis yung pinsan ko. Wala rin si Mom. Hay. Buhay.
Maghapon lang akong nakahiga. Nuod T.V. Kain. Pffft.
Nakatulog ako saglit. Wait.. Anong oras na ba ? Hay. Pake ko ba sa oras ?
"Joseph!" Gulat sakin ng mabait kong pinsan. Yeah. Close na kami. Simula nung dinala nya ako dun sa lugar na walang kasiguraduhan kung saan. HAHA!
"Pambihira naman Kuya oh. Wag ka namang manggugulat." Hasik ko sa kanya.
"Hehe! Sorry! Mukhang Bored na Bored ka ha ?" Sarkastikong tanong nya. "Tara. Sama ka sakin. May Gagawin tayo at mukhang mageenjoy ka!" Pagyayabang nya.
San nanaman kaya ako dadalin neto ? Tsk!
"TARA NA!" Sabay hila nya saken. Ano pa bang magagawa ko ? Hila mo na ko! Tsk!
At hanggang makarating kami sa pupuntahan namin eh hilahila nya ako. Grabehan naman to.
"Kuya, Pwede mo na ba akong bitawan ? Masakit na braso ko eh. Please lang." Pagmamakaawa ko sa kanya. Tsk! Walang awa. -_-
"Sorry. Hehe! Dito na tayo. Mukhang boring ka don eh. Bakit di natin subukan ang tumulong sa mga gumagawa." Sabay turo dun sa mga gumagawa ng Street Decor.
Hm.. Not Bad. Palipas oras din to.
"At mukhang matutuwa ka pag nakita mo si Elyza." Sabay tapik sa balikat ko. Sino naman yon ? Paki ko ba dyan ? -_- "Tara. Dun tayo. Tulong tayo don." At.. Hila nanaman nya ako. PAMBIHIRA NAMAN!
Parang mapupunit yung braso ko sa sobrang lakas ng pagkakahila nya sakin eh.
"Kila Elyza nga pala tong bahay na to." Biglang sabi nya at sabay hinto sa isang babae. "At eto nga pala ang Girlfriend ko. Si Yvonne. Pinsan nya si Elyza." So Girlfriend pala nya yung babae kaya pala biglang huminto. Teka nga. Bakit ba pinagtutulakan ako neto sa Elyza na yon ? Di ko pa nga nakikilala yon eh. Gulo ha ?
Halos marami-rami narin kaming nagagawang Street Decor. Madali lang naman pala eh. Akala ko napakahirap.
Hay nakakapagod din naman. Masakit sa kamay.
Umupo ako sa isang gilid at nagpahinga. Teka. Nasan na ba yung pinsan kong nagdala sakin dito ? Lingap dito. Lingap don. Wala eh.
Yamo na nga. Dito nalang ako sa gilid na to.
Boring na boring na ako ng biglang may dumaang babae. Di ko naman sinasadyang titigan sya. Teka.. Parang pamilyar yung babae ha ?
Sinundan ko sya ng tingin nang makita kong lumapit sya sa pinsan ko at kinausap ito.
Nilipat ko ang tingin sa iba ng tumingin sila sa direksyon ko. Sino yung pamilyar na babae nayon ? At bakit kausap sya ng pinsan ko ?
"HUY!"
"Pambihira naman oo." Sabi ko sa kanya. Hilig nya paring manggulat. Tsk! "Bakit ?"
"Tara." Kung iniisip nyong hila nanaman nya ako.. Hindi, Hindi kayo nagkakamali. Talaga naman oo!
"Lagi mo nalang ba akong hihilahin ?" Galit na tanong ko sa kanya.
"Sumama ka nalang. HAHA!" May gana ka pang tumawa ha! TSK!
Dinala nya ako sa babaeng pamilyar kanina. Teka.. Sya yung.. Sya yun..
Sya yung Stranger Girl nung isang araw. SYA NGA!