Chapter 9 - Greet the Stranger Girl

21 0 0
                                    

Chapter 9 : Greet the Stranger Girl

Tulad ng nangyare nung isang araw, Napako nanaman ako sa kinakatayuan ko. At ang matindi pa don, Nakatitig ako sa kanya.

"Nich. Samahan mo ako. Ikaw naman Elyza, Ipasok mo tong mga bote sa loob." Sabi ng Girlfriend ni kuya Nich. Ano daw ? ELYZA ? SYA YUNG SINASABI NI KUYA NICH NA ELYZA ?

"Ah.. Eh.. Joseph.. Dito ka muna ha ? Samahan ko lang to." Paalam sakin ni kuya Nich. Agad din namang sumunod yung Elyza sa utos ng Girlfriend ni kuya Nich.

"Sige na!" Pasigaw kong sabi kay kuya Nich. Matindi rin to eh. Hinilahila ako dito tapos iiwan rin pala ako. Tsk!

Umalis na sila kuya at naiwan akong magisa dito. May mga bote pa. Teka.. Ipasok ko nga to sa loob.

Kinuha ko ang mga bote at naglakad na ako papasok ng bahay nila. Bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla itong bumukas at niluwa ang isang babaeng Anghel. Why So Ganda Ate ? <3

"Ate. San lalagay to ?" Wrong Move. Tsk! Walang manners. Tsk!

"Dito nalang." Agad syang umalis sa pinto.. At tinamaan ako ng pagsara nito. Aray ha! Masakit po. HASHTAGMASAKIT. "Ay! Sorry."

De okay lang. Kahit gano pa kasakit kaya kong tiisin basta ikaw ang may gawa. Corny naman! Tsk! HAHA!

Nakauwi na kami ni kuya at nakwento ko rin sa kanya ang tagpo kanina. Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nakwento ko sa kanya yun. Tsk!

"Gusto mo bang makuha number nya ?" Tanong sakin ni kuya, SERIOUSLY KUYA ?

"Akina. Bilis. Akin na." Pagmamadali ko sa kanya. Bilisan mo.

"HAHA! Mukhang tinamaan ka nga dun ha ? Sabi ko naman sayo eh. Tatamaan ka pag nakita mo yon eh." Pangaasar sakin neto. -_-

"Pffft. Ako ? Tinamaan ? Oo. Tinamaan ng pinto kanina. Akina na yung number." Pagbibiro ko sa mokong. Bilisan mo. Ibigay mo na saken. Bilis!

"HAHAHAHAHA!" Tawanan daw ba ako ? Tsk. "Wait lang. Babalik ako don at kukunin ko. Stayput ka lang jan." At nilayasan na ako ni Kuya. Bilisan mo kuya.

Ang tagal naman nun. Tsk. halos dalawang oras na syang nandun ha ? Buti nalang at may headset ako at di ako naboboring.

"Akin na yan." Bigla nyang hinablot sakin yung cp ko.

"Teka! Ano gagawin mo dyan ?" inis na sabi ko sa kanya. Bigla ba namang hablutin eh naka palupot sakin yung headset. Pano nalang kung nasira headset ko ? Tsk!

"Ilalagay ko yung number ni Elyza. May angal ka ?" Ayos lang palang masira. Hehe!

"Ay. Wala. Sige. Ilagay mo na. HEHE!" Pahiya pa ko dun ha ? :3

Di ko alam kung pano nya inuto yung Elyza na yon para ibigay saken yung number nya pero laki ng pasasalamat ko dahil dito sa pinsan ko.

Maitext na nga. Sana magreply.

To : Elyza

                "Hi. :)"

Sana magreply.. Sana magreply..

From : Elyza

                "Hello. :) Sino 'to ?"

Nananaginip ba ako ? Pakisampal nga ako. Please lang. Na..Na..Nagreply sya. Sana magtuloytuloy to dahil..

AYOKONG MASAKTAN!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Falling Out Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon