Chapter 2.2 I'm so stupid!

131 6 4
                                    

Crush's POV

Nakakahiya man na dito ako kumakain pero ang saya padin. Nandito ako ngayon sa loob ng bahay ng babae na lihim kong nagugustuhan.

Gulat kayo? Oo, matagal ko nang gusto si Sunshine. Siguro 1st year palang kami? Fresh graduate ako from *toot* Academy tapos siya matagal na siyang nag-aaral sa school na pinag-aaralan namin ngayon.

Talagang nahulog na ako agad sa kanya nung una ko palang siya makita.

*FLASHBACK*

Tuwang-tuwa ako habang kumukuha ng pictures sa may park. Nang nilibot ko ang tingin sa camera nakita ko may isang babaeng napakaganda na nakaupo sa may damuhan.

"Manloloko ka! Sira ulo! Manggagamit! Pangiitttt!"

May babaeng umiiyak dun sa may park habang sinisira niya yung mga halaman.

"Minahal kitaa! Binigay ko sayo lahat lahat! Tapos niloko mo lang ako!"

Habang sinisira niya yung mga halaman may nakita siyang basag na bote. Pinulot niya yung isang part ng bote na may patulis.

Nilalapit na niya yung mtulis na bagay sa may kamay niya. "Mas okay pang mamatay nalang ako kaysa masaktan ako ng ganito."

Unti-unti niyang nilalapit yung matulis na bagay sa kamay niya at akmang hihiwain ang kamay pero buti nalang naabutan ko siya!

Kinuha ko yung bagay na yun at itinapon palayo.

"Ano ba?! B-bakit m-mo ko pinapakelaman?!" Sinigawan niya ko kahit hirap na siyang magsalita. Tuloy tuloy parin yung paghikbi niya habang nakayuko

"Umalis ka dito iwan mo na ako! Pabayaan mo nalang akong magpakamatay."

Tinulak tulak niya ako hanggang sa ako na mismo yung lumayo sa kanya. Di manlang ko nakapagslita. Iniwan ko yung panyo ko at may inipit akong maliit na bagay doon.

Nang makalayo na ako sa kanya, nagtago nalang ako sa may mga puno tapos tinatanaw ko siya. Para mapigilan ko siya pag gagawin niya ulit yun.

Pero natuwa ako nung makita kong inangat na niya yung ulo niya at nakita niya yung panyo na ibinigay ko at ginamit yun pamunas ng kanyang mga luha.

Nahulog yung inipit ko sa panyo at nang pinulot niya yun at tiningnan. Napangiti siya at itinago niya iyon.

*dug dug dug dug*

Nye? Ano tong nararamdaman ko? Naaahhh! Baka wala lang to.

Simula nung araw na yun lagi ko na siyang sinusundan. Lihim ko siyang kinukuhaan ng mga litrato hanggang sa malaman kong parehas kami ng College na papasukan.

Natuwa naman ko kasi kahit anong bag man ang gamitin niya ay nandoon yung ibinigay ko sa kanya. Tapos lagi siyang nakangiti.

Unti-unti na akong nahuhulog sa binibining ito. Si Sunshine Panganiban.

*end of FLASHBACK*

"AAhhh! Busog na ako." ng sarap ng niluto ng Mama ni Sunshine. Pwede siyang chef ng Restaurant namin nila Papa.

"Mabuti naman at nagustuhan mo." natuwa naman ang Mama niya. "Oo naman po, ng sarap nga po eh."

Nang tingnan ko si Sunshine nakangiti lang siya at tapos nadin siyang kumain. Maya-maya ay nagpaalam nadin ako na uuwi na ako.

"Ahmm, Ma'am aalis na po ako. Salamat po sa hapunan."

"Nako hijo, Tita Mylene nalang ang itawag mo sa akin."

"Sige po, salamat po Tita Mylene. Mauna na po ako. Good Night po."

Ihinatid ako ni Sunshine sa may gate nila.

"Ingat sa pag-uwi"

"Salamat sunshine ha."

"Nako wala yun salamat din sa pagbalik ng wallet ko pati kahapon."

"Wala yun."

O__________________O

Shet! Anong ginawa ko?!

Hinalikan ko siya sa pisngi. Di ko npigilan.

Gulat na gulat si Sunshine at ako din nagulat sa ginawa ko.

"H-hala S-sorry Sunshine. Ss-sorry t-talaga."

"O-ok l-lang yun. S-sige ingat ka."

Tumalikod na siya at lumakad papalayo at pumasok na sa bahay nila.

Naiwan akong nakatayo doon at tulala.

Anong ginawa ko?! Shiiitttt!

Baka wala pang nakakahalik sa kanya?

Ang tanga mo Crush Daniel Aquino!

--------------------------------------

(a/n) Sorry pangit ng update guys. Medyo pagod eh. Sana okay lng sa inyo :')

Kung may requests kyo i-message niyo lang po ako.

Ms. Nobody meets Mr. Somebody ♥ [ON-GOING] On-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon