Tin's PoV
PESTE. PESTE SA BUHAY KO TONG JEJE NA TO. PERIOD!!!
Wala nang ibang nakita kundi ako! Bat ko ba nakilala tong hayp na to! Makakalbo ako sa yamot eh!!
Simula nung naging magkapitbahay kame sa subdivision, wala na yatang araw na hindi uminit ulo ko sa walangya. Fyi, di kami magkaano ano. Magkaapelyido lang talaga. Jusko ayoko ng ganyang kamag-anak! Maaga ako tatanda!
"Hi tingting!"
Andito na naman siyaaa 😤
"Ano bang tingting ha? Jejemon?!"
"Ang gwapo ko namang jejemon tingting grabe ka"
"Gwapo?! San banda?!"
"Mula ulo hanggang paa!" Sabay gesture ng kamay niya na tinuturo sa sarili niya. "Di ba girls?"
"Kyaaaah!"
"Yak yak ew ew!"
"Di ka sumasang-ayon? Mababash ka na naman dahil saken niyan pag narinig ka ng fangirls ko. Ayaw mo paniwalaan kagwapuhan ko ehh"
"Parang may pake ako? Shoo!"
"Labyu tingting!"
"I hate you!"
"Hahahahaha"
Aish makaalis na nga dito.
"Kapal ng mukha kala mo maganda siya kung makaganon kay Baby Ge" epal 1
Baby Ge?! Nakakasuka
"Bat ba lapit ng lapit dito si Ge my loves, flat naman"
Aba't! Tusukin ko dibdib mong operada eehh. Hmp!
Yan lang naman ang araw araw na buhay ko sa skwelahan. Pepestehin ako ng asungot na yon sa harap ng 'fangirls' niya tapos etong mga fangirls niyang tapon ulo akala mo nakamegaphone magtsismisan kase rinig na rinig ko. Saya ng buhay ko di ba?! Kung di ko lang mahal si tita Carmen na nanay nung jejemon matagal na kong wala sa skwelahang to. Oo, ako ang mata ni tita Carmen kay jejemon sa skwelahan, bawat galaw kase non mamaya may gulo na. Kaya din itong tukmol na to lagi din akong pinagttripan. Ang bala ko lang sa kanya ehh pag nasumbong ko na siya kay tita Carmen. Kase naggrounded. HAHA.