Stacy's PoV
"Ano na?! Hindi pa rin?! Ambagal mo naman!"
"Maghintay ka pwede?? Ikaw gumawa kung gusto mo!"
"Ugh. Bilisan mo!! Kailangan makuha ko si Ge sa payatot na yon!"
"Edi kunin mo!"
"Ayaw nga di ba?! Dahil dyan sa bwisit na babaeng yan! Kapag nakuha mo loob ni Tin saka pa lang ako makakakilos!! Kaya bilisan mo GEORGE!"
"Oo na leche!"
Tin's PoV
Aaahhh hindi ako makatulog!!! 2am na gising na gising pa diwa koooo. Bwisit ka Jejemon!! Ayaw mo magpatulog!!
"OO! Mahal kita! Ok na?!"
"OO! Mahal kita! Ok na?!"
"OO! Mahal kita! Ok na?!"
"OO! Mahal kita! Ok na?!"
"OO! Mahal kita! Ok na?!"
"Aaaahhh!!" Napasigaw ako sa inis. Bigla naman pumasok si Mama sa kwarto ko
"Nak anong nangyare?!"
"Wala ma! Nagvvocalise lang ma!"
"Tinamaan ka ng lintik na bata ka! Madaling araw na! Isa pa sigaw yan hindi vocalise!"
"Sorry ma! Hehe"
"Matulog ka na!"
"Opo!"
Yun eh kung makakatulog ako ma 😭
Gerald's PoV
Kinakabahan ako sa kung anong pwedeng gawin ni Stacy. Pero hindi ko na hahayaan na hindi makita ni Tin kung gano ko siya kamahal. Puta nagkaaminan na ngayon pa ko panghihinaan ng loob?!
"Oh pre? Tulala ka na naman" Pat
"Wala tol. Iniisip ko lang yung nangyare kahapon. Salamat nga pala ah?"
"Wala yun tol! Wala din naman sa plano namin yun kahapon hahaha" Tonyo
"Plano?"
"Oo. Kasi bwisit na bwisit na nga kami sa katangahan niyo kaya kami na yung nag-iisip para sa inyo. Isang manhid at isang martir nagsama ba naman sinong di maffrustrate? Ha?" Tonyo
"Tonyo kalma. Nakaamin na nga di ba? Hahahaha" Pat
"Eto kasing dalwang to eh! Haha. Oh so ano nang progress? Mahal ka din ba? Kayo na ba?" Tonyo
"Hindi"
"Anong hindi?"
"Hindi pa kame. Manliligaw pa lang ako!"
"Ayon! Thank you Lord! Torpe no more!"
"Kaso..."
"Kaso ano?" Pat
"Kaso nanliligaw din si George"
"Ha???" Pat/Tonyo
"Ehh teka nanliligaw pa din lang naman! Edi mas galingan mo!" Pat
"Kaso siya first love"
"Ayaw mo maging last love???" Tonyo
"Gusto"
"Yun naman pala ehh! Kilos boi!" Pat
"Di ko alam kung may pag-asa nga ako. Aray! Bat nambabatok?!"
"Ehh kase yan ka na naman! Gustong gusto ka na namin batukan noon pa tol" Tonyo
"Umamin ka nga hindi ka naman kikilos ng matino. Para ka pa ring tanga! Mamaya isipin pa ni Tin jinojoke time mo lang siya!" Pat
"Totoo naman feelings ko!! Kaso mahina ang laban ko sa George na yon"
"Mahina pero may laban, tama? Pinayagan ka manligaw tol. Kahit katiting may chance ka!" Tonyo
"Sabe ko nga..."
"Kumilos ka na nga! Mamaya pati yung katiting mong chance mawala pa ibabaon na kita sa lupa!" Pat
"Hahahahaha oo na! Oo na! Salamat sa motivation hahaha"