Naalala ko naman na mahilig sa local bands tong si Tingting. Aha! Sakto may concert next week. Mapapapayag na kita after nito Tingting 😏
Bumili ako ng VIP tickets papunta dun sa concert ng Parokya ni Edgar next week bago ako pumasok sa klase. Isa ang bandang yan sa trip na trip ni Tin.
"Tin!" Lumingon naman siya at mukhang nagulat nung tawagin ko siya sa normal niyang nickname.
"Ano yon jejemon?" Aba mahinahon haha
"Guess what?"
"What?"
"Di ka man lang ba manghuhula?"
"Aba malay ko sa huhulaan! Ano nga kase!"
"I got you tickets for next week's concert!"
Wait. Bat walang reaksyon to?
"Ahh yung sa PNE ba?"
"Yup!"
"Meron na ko eh"
Ayy anobayann palpak. Sayang yung ticket!
"Ayy ganon, edi sama na lang ako sayo haha"
"Baket?"
"Wala"
"Tss. Ge"