Tips #1 [Huwag mo siyang iistalk]
Alam mo kung bakit di ka maka move on? Kasi panay ang istalk mo. Panay ang tingin mo sa mga social media accounts at panay ang scroll sa newsfeed ni ex o ni ex-crush.
Try mo kayang huwag makita ang mukha niya ng mga isang linggo o kaya naman ng buwan o taon. Sigurado makaka move on ka.
Tiyak malalaman mong hindi siya worth it. At hindi dapat nasasayang ang luha mo, alam mo kung bakit? Kasi iniwan ka niya. Sinaktan ka niya. Kaya ibigsabihin wala ka ng halaga sa kanya. Kaya dapat wag mo na rin siyang bigyan ng halaga o ng anumang luha na sinasayang mo ngayon.
Kapag nag post siya ng tungkol sa bago niya o kaya sa buhay niya na masaya na siya. Make proud don't cry.
Ganon ka no? Kapag may post siya tungkol sa buhay niya na masaya na siya sa iba. Umiiyak ka. Lumuluha ka. Naiisip mo ba na bakit? Para saan ako lumuluha? Kasi nga masakit. Syempre ganun talaga.
Pero naisip mo rin ba na habang patuloy kang umiiyak nasasayang yung oras at panahon na umiiyak ka.
Maging masaya ka din kagaya niya. Smile. Kaya kapag nakita mo ulit ang mukha niya sa social media o sa personal. Ngumiti ka. Maging masaya ka. Para sa kanya at para sa sarili mo.
Kung sinasabi mo na hindi mo kaya. Hindi ko kayang wala siya. Gawin mo to.
*Ngumiti ka at sabihin mo na "Masaya ako para sayo". Kung hindi mo masabi isigaw mo, kahit nasa kwarto ka ngayon o saan mang lugar. Sumigaw ka. At sabihin mong.
"Masaya ako. Masayang masaya ako kahit wala ka. Kaya hindi na kita iiistalk kasi gusto ko ng mag move on. Gusto ko ng makalimot. Gusto ko ng wag masaktan. At gusto ko ng maramdamang maging masaya."
Tapos na? Nasabi mo na? Naisigaw mo na? Felt relieve? Gumaan ba ang pakiramdam mo? Atleast ayos na yan. Atleast naisigaw at nasabi mo na. Kung gusto mo ulitin mo pa.
My advice:
Kung hindi mo naman siya binlock o inunfollow at nakikita mo parin ang mga post at status niya hayaan mo lang. Nakita mo diba? Edi nakita mo.
Hayaan mong mapadaan sa newsfeed mo ang mga status niya. Kaya wag ka ng mag stay na tinititigan mo pa talaga ng matagal at iniisip kung para kanino ang post niya.
Move on! Move on nga diba? Kaya wag ng iistalk at hayaan nalang mapadaan ang status niya sa newsfeed mo kagaya ng pagdaan niya sa buhay mo at hindi pananatili sa binuo niyong mundo.
-SECRETLYNAIVE
A/N:
Ang mga nasabi o nabanggit kong salita ay galing sa akin. Even the hugot lines. So it's better to give credit hahaha kung hihiramin mo. ILY. Please tap the star button below to vote, Highly appreciated.:-)~ShielaTendilla
BINABASA MO ANG
Tips Paano mag move on? (baka ito na ang sagot)
ChickLitMaraming paraan at maraming dahilan kung bakit ka nasasaktan. Marami ding rason at pagkakataon kung bakit patuloy mo siyang hindi makalimutan. Masakit? oo, but you need to let things go, you need to move on rather. Try to makeyourself be prioritize...