Tips #4 [Huwag marupok]

194 10 1
                                    

Tips #4 (Huwag marupok)

Marupok ka?

Yun bang isang chat niya lang na miss ka na niya bibigay ka na. Yun bang isang lapit niya lang kakausapin mo na at sasabihin mong mahal parin kita.

Ano to? Concert ng mga kpop idols na may comeback?

Hindi ganon. Hindi dapat ganon kapag nag mo-move on. Dapat iiwas ka. At kapag lumapit siya hayaan mo siya. Hayaan mo lang siyang gustuhin ka. Kung totoo man ito o hindi.

Kung hindi man. Malay mo lasing lang siya nung chinat ka diba? Atsaka malay mo... noong lumapit siya sayo pampalipas oras ka lang. Huwag marupok! Huwag bibigay. Make him/her feel like he's not the only one. Na marami pang mas better sa kanya.

Kapag sumuko edi hindi niya kinaya. Pero kapag nagpatuloy at pinaramdam na talagang mahal ka edi go. Try niyo ulit. But don't forget to analyze the whole scenario.

Kung deserving ba siya? Kung siya pa rin ba talaga?

Kasi alam mo... feelings change. People's change. Kung nagbago siya at maraming nagbago sayo. Isipin mo kung may patutunguhan ba? May pupuntahan ba ang relasyon niyo.

Kung wala. Accept it wholeheartedly. Hindi iyong isisisi mo sa kanya dahil iniwan ka. Oo, iniwan ka pero hindi mo ba naisip na ikaw din naman ang may kasalanan?

Dalawa kayong involve pero kapag iniwan ka isisisi mo sa kanya? Hindi mo ba naisip na may kasalanan ka din? Na bakit ka niya iniwan?

Bumitiw siya dahil ayaw niyang mas lalo kayong magkasakitang dalawa. Ayaw niyang mas lumala. Baka minahal ka niya talaga pero nagbago. Nag iba. Yung laman ng puso niya.

Mas pinili niyang bumitaw dahil ayaw ka niyang mas lalong masaktan. At sinunod niya lang yung tunay niyang nararamdaman.

Tapos ngayon kaya mo isinisisi sa kanya dahil iniwan ka. Sinaktan ka.

Inisip niya lang na mas masakit kapag nag patuloy kayo. Samantalang hindi na pala talaga ikaw.

Truth hurts sabi nga ng marami diba? Tanggapin mo nalang na hindi na ikaw ang mahal niya. Dahil din sa iyo kaya ka nasasaktan. Baka may nagbago. Hindi mo lang napansin.

Pero sa susunod na mag mamahal ka. Please lang. Pwede ba? Huwag kang maging marupok at ma fall agad?

Para kapag nahulog ka at nasaktan ka hindi ganon kasakit. Hindi ganon kalalim ang iniwang sugat sayo.

MY ADVICE:

Huwag maging marupok na tipong isang hi at hello lang kikiligin ka na. Grow up. Baka may habol lang sayo kaya ganon.

At kapag nasaktan ka isisisi mo sa kanya? Bakit? Sinabi niya bang mahalin mo siya. Oo pinaramdam niyang mahal ka niya. Malay mo ba kung totoo o hindi. Pero mas pinili mong sumugal kaya malamang may kasalanan ka din.

Alam mo yung pagiging marupok mo para lang yang pag sakay mo sa siksikang jeep.

Tipong kahit hindi na kasya basta may space pa ipagpipilitan parin. Ipagsisiksikan ang sarili sa upuan kahit masikip na. Tapos isisisi sa driver o kaya sa katabi na ang sikip naman. Ano ba yan sayang ang binayad ko.

Parang ikaw. Pinilit mong makapasok sa buhay niya. Tapos kapag iniwan at sinaktan isisisi sa taong nang iwan. Isisisi sa kanya dahil iniwan ka. Sinaktan ka.

Pero hindi mo ba naisip na kasalanan mo rin? Dahil hindi mo naisip yung kahihinatnan? Basta ka nalang sumugal. Basta ka nalang nag mahal.

Isipin mo nalang na pareho kayong nagmahal. Magkaiba nga lang kayo ng kinahinatnan.

Siya iniwan ka para di ka masaktan pero ikaw nanatili pero wala na siya. Kaya wag ka ng lumaban. Tigil na. Tama na. Mahalin mo naman ang sarili mo. Kahit ngayong pagkakataon lang na to.

-SECRETLYNAIVE

A/N:
Ang mga nasabi o nabanggit kong salita ay galing sa akin. Even the hugot lines. So it's better to give credit hahaha kung hihiramin mo. ILY. Please tap the star button below to vote, highly appreciated :-)

~ShielaTendilla

Tips Paano mag move on? (baka ito na ang sagot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon