Tips #6 [ Be Happy]

134 6 3
                                    

Tips #6 [Be happy]

Ilang beses ko ng sinabi na maging masaya ka diba? Maging masaya para sa sarili mo at para sa taong bumitaw sayo.

Ayos lang yon kung paulit-ulit mong marinig na maging masaya ka. Para matauhan ka? okay yon.

Pero iba ngayon.

Kung masaya ka dahil nakangiti ka lang tuwing nandyan siya. Ibigsabihin hindi ka totoong masaya.

Pinapaniwala mo lang ang sarili mo na masaya ka. Pinapakita mong masaya ka para masabing naka move on ka na. Pero ang totoo? Hindi pa talaga.

Hindi ganyan ang totoong nagmo- move on. Yung ngingiti ka kapag nandyan lang siya para masabing okay ka na? At para masabi niyang nagkamali siya ng naging desisyon?

Hindi ganon! Hindi ganon ang pag mo-move on! Kaya ka nasasaktan 'e! Dahil pinapaniwala mo yung sarili mo na masaya ka kahit iniwan ka niya! Pero ang totoo pinapakita mong masaya ka lang sa harap niya at ng ibang tao.

Kung ganon para saan pa at binibigyan kita ng tips para makalimot? Para sa-saan pa at tinutulungan kitang mag move on huh?! kung ipinapakita mo lang pala na masaya ka sa harap niya at ng ibang tao para masabing ayos ka lang.

Wag ganon! Think the best moments of your entire life! Nung wala pa siya. Yung pakiramdam na malaya ka? Yun yung kailangan mo para maging masaya kahit na ang sakit sakit na.

Pilitin mong gustuhin at mahalin ang mga bagay na meron ka ngayon.

Kung nandyan yung family mo? then cherish every moment na kasama sila at mas bigyan mo silang pansin.

Kung naandyan yung mga kaibigan mo? Then go! Mas palalalimin niyo pa yung pagiging magkakaibigan ninyo at dagdagan niyo pa ang happy moments na magkakasama kayo. Kung nakalimutan mo sila dahil nagka jowa ka? Say sorry! hindi naman nakakabawas sa pagkatao ang paghingi ng sorry. You just need to say sorry dahil sa puso't isip mo, namimiss mo parin yung dating kayo. Diba? aminin mo! Kaya never ever forget to say sorry, para mawala yang bigat sa puso mo.

Kung ikaw lang mag isa at wala ka ng pamilya o kaibigan? Give happiness to yourself! Mahalin mo ang sarili mo higit pa sa pinaramdam niya sayo noon! Huwag kang magiging pakawala dahil lang iniwan ka niya. Make yourself confident! Kung dati mukha kang di maayos sa paningin ng iba? Edi mag ayos ka. Change your lifestyle. Huwag magpaka depressed. Hindi ka niya mahal!

My Advice:

Yang pagmo- move on mo wag mong gawing disaster of your life. Na tipong ma-mamatay ka kung wala siya! Diba nga sa previous tips ko sinabi kong hindi lang sa kanya umiikot ang mundo mo? May ibang bagay pa. Maging masaya ka sa nangyari, Isipin mo nalang happy break up kagaya ng kanta ni Donnalyn Bartolome haha Love youuuu.

A/N:

Tap the star button below to vote and comment your thoughts in the comment section,higly appreciated. ILY💕

~SecretlyNaive


🎉 Tapos mo nang basahin ang Tips Paano mag move on? (baka ito na ang sagot) 🎉
Tips Paano mag move on? (baka ito na ang sagot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon