Tips #2 (Wag mo siyang isipin)
Kung hindi mo na siya iniistalk pero iniisip mo parin siya siguradong di effective ang pag mo-move on mo.
Kaya kung iniisip mo parin siya hanggang ngayon. Mag isip ka ng ibang bagay. O kaya naman isipin mo yung mga bagay na natural mong iniisip noong wala pa siya. Nung di mo pa siya kilala. Noong wala ka pang pag mamahal para sa kanya.
Mahirap no? Mahirap ang hindi siya maiisip ngayon?
Malamang kasi iniisip mo parin na kakalimutan mo siya. Na hindi mo na siya iisipin simula ngayon.
Ang gagawin mo lang ay kung paano ka kumilos at mag iisip noong wala pa siya. Gawin at isipin mo yung mga bagay na nagpapasaya sayo. Yung mga bagay na nakapag bibigay ng ngiti sa mga labi mo.
Tutal sanay ka naman na wala siya diba? Kasi iniwan ka na niya? Ngayon gawin mo namang walain siya sa isip mo. Para ang kasunod, mawala na siyang tuluyan diyan sa puso mo.
Paano ka makakapag move on kung ang iniisip mo ngayon ay "Mahal ko parin siya. Mahal na mahal ko siya at miss na miss ko na siya."
Diba? Pinag lalaruan ka ng utak mo? Pinaglalaruan ka ng sarili mo.
Kaya mas magandang walain mo siya sa sistema mo. Now it's time to freshen up.
Pumikit ka at isipin mo ang mga masasayang bagay na nangyari sa inyo. Pati na ang mga malulungkot at pag aaway ninyo. Dali na gawin mo. Pumikit ka. Mamaya ka na dumilat pagkatapos ng mga tatlong minuto.
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
Ngayon kung dumilat ka ng masaya congratulations sayo. Pero kung umiiyak ka sa oras ng pagdilat mo I'm sorry pinaalala ko siya sayo. Pero wag kang mag alala mawawala din yan. Hindi man ngayon pero malapit na. Magsimula ka sa pag iisip ng masasayang bagay at kalimutan mo na siya ng tuluyan.
My advice:
Isipin mo nalang na para siyang taong namayapa. Ikaw yung namatayan at iniwan pero patuloy na nabubuhay.
Alam mo ganun naman talaga ee. Sa buhay may umaalis at nangiiwan. pero hindi ka ba naeexcite? Nakaka excite kayang malaman kung sino ba yung bagong darating. Yung bagong papalit sa past na gusto mong kalimutan.
Malay mo yung dumating ay mas magandang biyaya. Mas deserved mo. Hindi kagaya ng nauna o nung pangalawa o nung pangatlo o kung pang ilan man yan.
Mas magandang isipin ang mga masasayang bagay kesa sa ex mong sinayang ka.
-SECRETLYNAIVE
A/N:
Ang mga nasabi o nabanggit kong salita ay galing sa akin. Even the hugot lines. So it's better to give credit hahaha kung hihiramin mo. ILY. Please tap the star button below to vote if you like it. Highly appreciated:-)
~ShielaTendilla
BINABASA MO ANG
Tips Paano mag move on? (baka ito na ang sagot)
ChickLitMaraming paraan at maraming dahilan kung bakit ka nasasaktan. Marami ding rason at pagkakataon kung bakit patuloy mo siyang hindi makalimutan. Masakit? oo, but you need to let things go, you need to move on rather. Try to makeyourself be prioritize...