Tips #3 [ Tama na ang iyak]

217 8 3
                                    

Tips #3 (Tama na ang iyak)

Gusto mong mag move on pero umiiyak ka? Bakit? Para saan? Para balikan ka niya? Para ibalik yung dating kayo? Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Umiiyak ka ng dahil sa isang tao? Lumuluha ka dahil nasaktan ka?

Oo, nandoon na tayo. Nasaktan ka kaya ka umiiyak. Hindi mo kayang wala siya(sabi mo) kaya ka umiiyak. Pero alam mo kung ano yung mas masakit sa pagmo-move on?

Yung umiiyak ka parin kahit wala na talaga. Kahit hindi na pwede.

Kung may mahal na siyang iba kaya ka umiiyak isang malaking ekis yan. In the fist place bakit ka umiiyak? ibigsabihin iniisip mo parin siya at ang ginawa niya sayo. Naiisip mo parin yung mga bagay na masaya kayo. Kasi namimiss mo yun diba? Yung dating kayo?

Pero move on, move on din hoy!

Hindi mo ba alam na para kang tanga? Kasi panay ang iyak mo? Panay ang pag wawala mo? At panay ang sabi mo na hindi mo kayang wala siya. Pero ano ka ngayon? Diba wala siya? Nabuhay ka naman. Humihinga ka pa naman. Umiiyak nga lang.

May ibang bagay pa oh! Para maging masaya. Para hindi ka umiyak.

Mahirap talaga mag move on lalo na't sa kada isang bagay maaalala mo siya. Iiyak ka dahil naalala mo siya sa hotdog na nakain mo. Iiyak ka dahil sa pabangong naamoy mo. Iiyak ka dahil sa mga nakita mong paborito ninyo. At iiyak ka dahil sa mga musikang naaalala mong sabay niyong kinakanta noon o di kaya naman ay kinakanta niya para sayo.

Ano tanga lang?!

Iiyak ka ng dahil lang hindi niyo na magagawa yun ulit? Iiyak ka dahil wala na siya? Bakit nung wala pa ba siya sa buhay mo umiiyak ka? Naglulupasay ka? Diba hindi naman? Masaya ka naman?

Kahit na iniwanan ka niya ng sakit sa puso mo. Naiwan ka. Wag kang umiyak. Be strong. Be brave.

Kaya kagaya ng tips no.2 ko sayo wag mo muna siyang isipin para tumigil ka na sa kakangawa. Para iyang mga luha mo huminto na sa pagluha.

My advice:
Alam mo yung pinag dadaanan mo? para lang yang kinakain mo dati ee.

Dati pwede pa sayo. Hindi pa nakakasama sayo.

Pero ngayon?

Bawal na kasi prone ka na. Nakakasama na. Nakakasakit na. Kaya dapat itigil mo na. Iwasan mo na. At wag mo ng balaking kainin pa. Kasi baka lalong lumala. Lalo ka lang lumuha.

Kagaya niyang iniiyakan mo. Nakakasama na. Nakakasakit na. Kaya iwasan at kalimutan mo na.

Mas nakakaawa kayang makita ka na ganyan. Umiiyak at nag iisa. Lumuluha ng dahil sa hindi mo malamang dahilan.

Pero tahan na. Tumigil ka na. Umusad ka na.

Tapos na diba? Wala na kayo. Kaya balik ka na sa dating gawi. Nung wala pa siya. Nung hindi pa siya namamasyal sa utak mo.

Yung tao na pinakilig ka noon? At nagpasaya sayo? Siguro minahal ka niya pero hindi sapat yung pagmamahal niya kasi iniwan ka niyang nasasaktan.

Alam mo para sa akin ang pagmamahal parang pagkain na panis. Kasi kapag hindi na pwedeng kainin. At masama na ang lasa. Itatapon nalang. Ibabasura nalang.

Pero alam mo kung ano yung maganda? Atleast natikman mo yung pagkain bago mapanis. Naramdaman mong maging masaya bago itapon nalang at sinayang yung mga bagay na meron kayong dalawa.

-SECRETLYNAIVE

A/N:
Ang mga nasabi o nabanggit kong salita ay galing sa akin. Even the hugot lines. So it's better to give credit hahaha kung hihiramin mo. ILY. Please tap the star button below to vote, highly appreciated. :-)

~ShielaTendilla


Tips Paano mag move on? (baka ito na ang sagot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon