INTRO"Gelyn ano ba? Matagal pa ba tayong pipila?"
Tinaasan ni Gelyn ng kanyang kilay ang kanyang matalik na kaibigan. Kasalukuyan silang nakapila ngayon sa labas ng Hoffman's mansion. Kabilang sila sa mga babaeng nag-hihintay sa kanilang mga ultimate crush.
"Pwede ba, tigilan mo na kakareklamo mo? Lalo akong nastress sayo Arabela! Sumama-sama ka pa kasi di mo naman pala kayang maghintay. Konting tiis nalang, darating na din yung my loves ko!"
Hindi ito kumibo ngunit ramdam ni Gelyn na naiinis na ito.
"Umuwi ka nalang kaya Ara? Kakastress ka naman kasi eh. Nagkaka-wringkles ako sayo eh" Pagtataray niya
Hindi na ito nakatiis at piningot na nito ang kanyang tenga
"Ikaw Gelyn isusumbong kita sa nanay mo. Imbis nag aaral tayo ngayon heto ka at nag-hihintay sa Zach na yon! Eh hindi ka naman mapapansin non!""Aray!" Tinabig niya ang kamay ng kanyang matalik na kaibigan. Kahit palagi silang nag aaway ni Arabela, ito lamang ang kanyang pinakamamahal na kaibigan. Higit pa sa mga kapatid niya.
Lima silang magkakapatid. Siya ang bunso kaya naman spoiled na spoiled siya. Hindi sila mayaman ngunit hindi rin sila mahirap. Teacher ang kanyang nanay sa isang unibersidad. Ang tatay niya naman ay isang guidance councilor kung saan nagtuturo ang kanyang nanay.
Ang mga kapatid niya naman ay mga nakapagtapos na ng pag-aaral, parepareho ang kurso na tinapos ng mga ito, Business education, balak kasi ng mga ate niya na maging guro katulad ng kanilang nanay, siya nalang ang nag-aaral pa sakanilang magkakapatid. 4th year high school student palang siya. Panay sila mga babae ngunit para sakanya siya ang pinakamaganda kahit siya ang pinakamaliit.
"Tara na kasi Gelyn! Wala ka naman mapapala sa crush mong yan--"
"Anong wala ka diyan? Pasasaan bat makikilala din ako ni Zachy my love. Kapag may tiyaga may nilaga" Hinihilot niya padin ang kanyang tenga dahil may kalakasan ang pagpingot ni Arabela sakanya.
"Mag-dadalawang oras na tayong naghihintay dito! Araw araw nalang ba tayong pipila dito ha? Kahit anino nga ng Zach na yun hindi mo nakikita dahil tinted naman ang kotse niya! At panigurado may girlfriend na yon---"
"Che! ayan na ang my loves ko!" Masayang sigaw niya nang matanaw niya ang paparating na magarang kotse.
Tinakpan niya ang bibig ni Arabela kaya nagpumiglas ito
Pabilis ng pabilis ang tibok ng kanyang puso habang papalapit ang kotse sa kanilang harapan.
Nagtilian ang mga babaeng kasama nila sa pila. Napasimangot siya dahil naiinis siya sa mga babaeng ito.
Nagtakbuhan palapit sa kotse ni Zach ang mga babaeng nakapila.
"Anak ng patis!" Agad siyang nakigulo sa mga babae. Mabuti nalang at maliit siya kaya nakasingit agad siya sa mga nauna sakanya.
"Gelyn bumalik ka nga dito!" Sigaw ni Arabela ngunit hindi na niya ito pinansin.
"My lovees!!" Tili niya.
Napahinto ang kotseng sinasakyan ni Zach dahil sa pagkakagulo nila.
Si Zach Hoffman ang nag iisa niyang crush sa buong buhay niya. Hindi ito artista ngunit iniibig ito ng napakadaming babae dahil sa angking kagwapuhan nito.
Sikat sa buong Pilipinas ang buong pamilya nito. Marami itong kapatid na gwapo din ngunit para sakanya si Zach ang nakabihag sa kanyang munting puso.
Napanuod lang niya ito ng isang beses sa telebisyon ng ipakita ang mga larawan nito at para bang nahipnotismo na siya nito.
Binabalita kasi sa telebisyon ang successful business ng pamilyang ito. Ito na ang pinakamayamang pamilya sa buong Pilipinas kaya halos lahat ng tao kilala ang mga "Hoffman"
BINABASA MO ANG
My fan girl
RomanceKilalang kilala ni Zach Hoffman si Gelyn Palma. Hinding hindi niya ito makakalimutan dahil sa tuwing nagku-krus ang kanilang landas may kakaiba itong pinag-gagagawa upang mapansin lamang niya ito. Wala na itong ginawa kundi sundan siya kung saan saa...